Default Thumbnail

Chinese national na sangkot sa pagdukot tiklo

April 11, 2024 Alfred P. Dalizon 118 views

ISANG 42-anyos na Chinese national na sinasabing sangkot sa mga kaso ng kidnap-for-ransom ang nadakip ng mga pulis sa Angeles City, Pampanga noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Xu Zhiyong alyas Reynato Chua.

Nahuli siya sa restaurant sa Fil-Am Friendship Highway sa Angeles City ng mga miyembro ng PNP Anti-Cybercrime Group at Anti-Kidnapping Group bandang alas-9:30, ayon sa report kay Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco D. Marbil.

Mga miyembro ng PNP-ACG, sa ilalim ni Major Gen. Sydney S. Hernia, ang matiyagang nagsagawa ng intensive online research para mahuli ang suspek.

Nagtago ang suspek sa isang bahay sa Balagtas Avenue sa Clark Majestic World sa Mabalacat City matapos na ipagutos ng korte ang pagdakip sa kanya.

Involved sa tatlong insidente ng kidnapping-for-ransom ang suspek, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE