Default Thumbnail

Suspek sa rape huli sa Antipolo

April 11, 2024 Jojo C. Magsombol 62 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Timbog noong Miyerkules ang isang suspek sa panghahalay at acts of lasciviousness sa Sitio Tibagan, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Kinilala sa alyas Julie ang suspek, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun.

Nagsagawa ng operasyon bandang alas-5:58 ng hapon ang magkasanib na tauhan ng Antipolo Component City Police kasama ang Libon Municipal Police para mahuli ang suspek.

Inisyu ni Presiding Judge Jose Demosthenes Matriz Salgado ng Family Court, Fifth Judicial Region, Branch 4 ng Ligao City, Albay ang warrant of arrest laban sa suspek.

Walang inirekomendang piyansa para sa panghahalay at P200,000 naman ang inirekomenda para sa acts of lasciviousness.

AUTHOR PROFILE