Pertussis Source: Iloilo City FB

Batangas City may 3 kaso ng pertussis

April 11, 2024 Jojo C. Magsombol 87 views

BATANGAS CITY–May tatlong kumpirmadong kaso ng pertussis sa Batangas City, ayon sa City Health Office (CHO).

Kabilang dito ang 2 at 3 buwang sanggol na walang bakuna at isang buwang sanggol na nakatakda dapat bakunahan sa kanyang ika-6 na linggo ng pagsilang.

Ayon sa CHO, hinihintay pa ang test result ng pito pang suspected pertussis cases.

Kaugnay nito, mas pinaigting ng CHO ang vaccination campaign para sa mga sanggol para makaiwas sa mga vaccine preventable diseases tulad ng pertussis.

Nagsagawa ang CHO ng catch up immunization para sa mga batang may edad 6 weeks hanggang 59 buwan na may kumpirmadong kaso at catch up immunization para sa 6 weeks hanggang 23-month-old infants para sa mga lugar na may suspected cases.

Naglunsad kaagad ng aktibong case finding sa mga lugar na may kumpirmadong kaso at higit na pinalakas ang health education ukol sa pertussis sa mga barangay.

Gayundin, patuloy ang information education campaign (IEC) hinggil sa naturang sakit sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan ng pamamahayag.

AUTHOR PROFILE