Kulong

Chinese nanggulpi ng utol ng ex-jowa nasakote

January 31, 2024 Melnie Ragasa-limena 118 views

NAHAHARAP sa patung-patong na kaso ang isang Chinese national na pwersahang pumasok sa bahay ng kuya ng dati niyang girlfriend at bugbugin noong Miyerkules sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Nakakulong na sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang suspek na si alyas Li, 34.

Sa pagsisiyasat ni PCpl Jordan Barbado ng (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa bahay ng biktima na si alyas Tito sa Quezon City.

Natutulog ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na noo’y lasing at walang sabi-sabing pinagpapalo sa iba’t-ibang bahagi ng katawa ang biktima hanggang sa makahingi ng saklolo sa kapitbahay.

Dating kasintahan ng suspek ang kapatid na babae ni Tito.

Naaresto nina Florencio Ansale at Gil Palma ang suspek at dinala sa QC General Hospital ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo ng suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong Trespass to Dwelling at Slight Physical Injuries sa korte.