China

China gusto na lang magtinda ng kape kaysa maghubad

October 18, 2022 Eugene E. Asis 457 views

China1

NAKILALA noon si China Roces sa bilang sexy star. Naging kontrobersyal din siya dahil sa ilang usaping pag-ibig. Pero ngayon, gusto na lang mag-concentrate ni China sa pagnenegosyo.

Bagama’t may 10 guaranteed contracts pa siya sa Viva Films, pinag-iisipan na niyang mabuti ang pagtanggap sa mga project dahil karamoihan sa mga iniaalok sa kanya ay sexy roles pa rin. Hindi naman ito nakapagtataka dahil ang dating Tanduay calendar girl at FHM cover girl ay sexy at maganda pa rin sa paglipas ng panahon. Napanood siya sa ilang teleserye tulad ng Be Careful With My Heart, Temptation of Wife at nakagawa rin ng ilang independent films.

Ayon sa kanya: “Willing naman akong magpa-sexy pero hindi talaga ‘yung all out at sobrang daring. Kasi dati, ganu’n ‘yung laging role ko, laging super sexy. Ngayon, siyempre, may mga anak na ako at may lalaki pa, nahihiya naman ako sa kanila.”

Nagko-concentrate siya sa pagnenegosyo, at kamakailan lang ay nagkaroon siya ng grand launching para sa kanyang Glamoroces Coffee na ginanap sa OMG Comedy Bar sa Fairview.

Bukod dito, isang sikat na vlogger si China na may mahigit 2 million subscribers sa Facebook.

Ang Glamoroces Coffee ay isang slimming coffee para sa mga katulad niyang nahihirapan dating magpapayat at magbalik sa pagpapapaganda.

“Ang Glamoroces coffee ay may collagen and gluthatione. Ang purpose nito, para sa maalagaan ang mga gustong gumanda, sumeksi na hindi nai-stress,” sabi niya.

Tatlong buwan na sa market ang Glamoroces at masayang-masaya siya sa feedback dahil lagi itong sold out. Available ito sa Shopee at ilang distributors online. I-search lang daw ang Glamoroces sa Google at makikita kung saan ito mabibili.

AUTHOR PROFILE