Famas

Charo first time best actress sa FAMAS, ‘Katips’ humakot ng awards

July 31, 2022 Aster Amoyo 733 views

Famas2Famas3Famas4

ALTHOUGH tumanggap na siya ng Lifetime Achievement Award mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) nung 2019, plus two nominations bilang Best Actress para sa pelikulang “Pag-ibig Na Walang Dangal” in 1980 at “Kontrobersiyal” nung 1981 at dalawang Best Supporting Actress nominations for “Gumapang Ka Sa Lusak” in 1990 at “Miss Dolora X” nung 1993, ang veteran award-winning actress, producer, host at dating president-CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, nitong nakaraang 70th FAMAS Awards night lamang siya nakapag-uwi ng kanyang kauna-unahang Best Actress trophy para sa pelikulang “Kun Maupay Man it Panahon” na dinirek ni Carlo Francisco Manatad. Ayon kay Charo, worth the wait ang kanyang pagkakapanalo ng kanyang first Best Actress award mula sa FAMAS.

Ang “Kun Maupay Man it Panahon” ay siya ring nakapag-uwi ng Best Production Design for Whammy Alcarazen.

Si Janice de Belen naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang “Big Night” na siya ring nagpapanalo ng Best Screenplay for writer-director, Jun Lana.

Ang martial law movie na “Katips” ang nanguna with seven awards including Best Picture, Best Director for Vince Tanada na siya ring nanalong Best Actor. Same movie won for Best Cinematography for Manuel Abanto, Best Music Score for Pipo Cifra at Best Original Song (“Sa Gitna ng Dulo”) – music by Pipo Cifra, lyrics by Vince Tanada.

Ang director-editor na si Law Fajardo ang nanalong Best Editor for the movie “A Hard Day”. Ang nasabing pelikula ay siya ring pinarangalan ng Best Sound (Albert Michael Idioma, Alex Tomboc, Pietro Marco Javier).

Ang pelikulang “My Amanda” ang siyang nanalo ng Best Visual Effects for Santelmo Studio habang ang Best Short Film award ay napunta sa “See You George!” ni Mark Moneda.

Dalawang special awards ang natanggap ng National Artist na si Nora Aunor, ang FAMAS Natatanging Gawad Parangal at Susan Roces Celebrity Award.

The same Natatanging Gawad Parangal went to another National Artist na si Ricky Lee.

Ang dating Sampaguita child star at US-based na si Tessie Agana ang nakatanggap ng Lifetime Achievement Award.

Other special awardees include Sen. Imee Marcos as Exemplary Awardee for Public Service, Allen Dizon for Hall of Fame as Best Actor, Jess Navarro – Hall of Fame for Editing. Ang FPJ Memorial Award ay napunta kay Sen. Jinggoy Estrada, Don Jose R. Perez Memorial Award kay Moira Lang, 1st Outstanding Public Service Awardee – Rep. Christopher de Venecia, Dr. Edinell Calvario as 2nd Outstanding Public Service. Si Ranz Kyle at Niana Guerrero ang tumanggap ng German Moreno Youth Achievement Award, si Rep. PM Vargas ang pinarangalan ng FAMAS Presidential Award habang si Renz Spangler naman ang tumanggap ng Angelo `Eloy’ Padua Award for Journalism.

Sa kabila ng pagsusungit ng panahon dala ng bagyong Ester at pagkakaroon ng matinding baha sa maraming lugar ng Metro Manila ay naging maayos pa rin ang presentation ng 70th Jubilee year ng FAMAS nitong nakaraang July 30, 2022 na ginanap sa newly-renovated na Metropolitan Theater.

GMA Thanksgiving Gala Night di napigilan ng bagyo

HINDI napigilan ng bagyong Ester ang star-studded GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa ballroom ng Shangri-La Hotel at the Fort (BGC) last Saturday evening na dinaluhan ng Kapuso stars, artists, Kapuso executives, radio and TV hosts at iba pang luminaries.

Pinangunahan ito ng GMA Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang bagong Kapuso stars na sina Bea Alonzo at Maja Salvador. Naroon din siyempre ang Kapuso singer-actress-host na si Heart Evangelista with husband na si Sen. Chiz Escudero at marami pang iba.

Dumating si Julie Anne San Jose kasama ang rumored boyfriend na si Rayver Cruz, maging sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Dumalo rin ang dating beauty queen actress-turned actress na si Bianca Manalo bitbit ang kanyang boyfriend na si Sen. Win Gatchalian.

Tiyak na idea ni Mr. M (Johnny Manahan) ang GMA Thanksgiving Gala Night dahil siya ngayon ang consultant ng GMA Artists Center na ginawa nang Sparkle Artists na siyang kasagutan sa Star Magic ng ABS-CBN, ang talent management arm ng Kapamilya channel.

Si Mr. M. ang bumuo at matagal na namahala ng Star Circle ng ABS-CBN at siya ring nakaisip ng taunang Star Magic Ball which was later changed to ABS-CBN Ball.

Dahil sa matagumpay na unang GMA Thanksgiving Gala Night, malamang na gawin na ito taun-taon. Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside Showbiz with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE