christine

Eksenang Cory at Kris, trigger points sa ‘Maid in Malacañang’

August 1, 2022 Vinia Vivar 656 views

yapruffa maeA night of glitter and glamour ang ginanap na red-carpet gala premiere ng pelikulang Maid in Malacañang last Friday night, July 29, sa SM North EDSA The Block.

Talaga namang nagniningning ang mga kasuotan ng cast na nagsidalo, lalo na nga ang female stars sa kani-kanilang formal gown.

Sa totoo lang, sobrang nakakatuwa na balik na naman ang mga premiere night sa showbiz na mahigit two years ding nawala because of the pandemic.

Sobrang na-miss namin ang ganitong event at sana nga’y magtuluy-tuloy na.

Anyway, present ang buong cast sa red-carpet premiere na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Ella Cruz, Diego Loyzaga (dumating na kasama ang inang si Teresa Loyzaga), Kiko Estrada, Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.

Of course, naroroon din ang direktor na si Darryl Yap, ganundin ang Viva big bosses sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.

Dumalo rin sa premiere si Sen. Imee Marcos na isa sa mga nag-spearhead ng proyekto.

Mahusay si Cristine bilang Imee Marcos at hindi maipagkakailang pelikula niya ito.

Kitang-kita sa movie na Papa’s girl talaga si Sen. Imee at siya ang paboritong anak ni dating Presidente Ferdinand Marcos.

Magaling din si Ella as Irene Marcos sa kanyang highlight scene with Cesar na gumaganap bilang Pres. Marcos.

May sarili ring moment si Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos.

Bongga ang eksena niya with his father at talagang ang hahaba ng kanyang mga linya.

Bongga rin ang eksena ni Ruffa (as former First Lady Imelda Marcos) with Diego.

Binigyan talaga ni Direk Darryl ng kanya-kanyang shining moment ang kanyang mga artista including the three maids na ginampanan nina Karla, Beverly at Elizabeth.

Pero si Cristine talaga ang lutang na lutang sa kabuuan ng movie.

Tinatalakay ng pelikula ang last three days ng pamilya Marcos sa Malacañang at maraming ipinakita sa movie na talagang hindi alam ng mga tao at wala sa history books.

Pero tiyak na magiging kontrobersyal na naman ang pelikula at mukhang marami ang magre-react sa parteng napasama sina former President Cory Aquino at ang anak niyang si Kris Aquino.

Sa pelikula kasi ay nabanggit na habang nagkakagulo sa bansa because of the EDSA People Power revolution in 1986 ay naghahanap daw ng Japanese food si Kris.

Hindi na namin babanggitin kung ano ang ipinakita na ginagawa ni Tita Cory that time at panoorin n’yo na lang.

Pero for sure ay marami ang na naman ang mati-trigger at magre-react dito.

Gustung-gusto namin ang last part kung saan ay ipinakita kung ano ang nangyari sa tatlong maids after the EDSA revolution.

Nakaka-touch ang nangyari kay Yaya Santa na ginampanan ni Karla at na-happy naman kami na buhay pa hanggang ngayon si Yaya Biday na ginampanan ni Beverly at kasalukuyan pa ring kasama ni Ma’am Imelda.

Ipapalabas na ang Maid in Malacañang sa mga sinehan simula sa Aug. 3.

AUTHOR PROFILE