Jacklyn2

Celebs dumagsa sa lamay ni Jaclyn

March 5, 2024 Vinia Vivar 164 views

Na-cremate na ang pumanaw na premyadong aktres na si Jaclyn Jose noong Lunes, March 4, kasabay ng unang araw ng kanyang burol.

Sa unang gabi ng lamay para sa aktres sa Arlington Chapel ay dumagsa ang mga kamag-anak, kaibigan at celebrities na nakiramay.

Base sa mga larawang naipost sa social media, dumating sina Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, Alden Richards, Amy Austria, Ivana Alawi, Sylvia Sanchez and Claudine Barretto, among others.

Of course, hindi pwedeng mawala ang Eigenmann clan sa pangunguna ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann. Naroroon din sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Ryan Eigenmann, Max Eigenmann, Michael de Mesa at ang kapatid ng yumaong aktres na si Veronica Jones.

Spotted din sa first night ang pillars ng Eigenmann family, ang mag-asawang Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Present din si Jake Ejercito, dating boyfriend ni Andi at ama ng kanilang anak na si Ellie.

Bawa’t gabi ay ilalaan sa mga nakatrabaho ni Jaclyn sa GMA, ABS-CBN, Viva Films at PPL Entertainment, ang management team niya.

Kagabi (March 5) ay gabi ng FPJ’s Batang Quiapo. Nagsipunta ang buong staff at cast sa pangunguna ng lead actor at direktor na si Coco Martin.

Isa si Jaclyn sa main cast ng FPJBQ and at the time of her death, she played the role of Chief Supt./BGen. Dolores Espinas.

Hanggang Sabado mananatili ang labi ni Jaclyn sa Arlington Chapel.

AUTHOR PROFILE