Claudine Barretto

CLAUDINE HUMINGI NG TAWAD KAY JACLYN

March 5, 2024 Vinia Vivar 94 views

Spotted si Claudine Barretto na iyak nang iyak sa burol ng yumaong premyadong aktres na si Jaclyn Jose nitong Lunes, March. 4.

Matagal na nagkasama sina Claudine at Jaclyn sa seryeng Mula sa Puso na umere mula 1997 to 1999.

Sa Instagram post ni Claudine, nagbigay siya ng maramdaming tribute para sa ina-inahan at inalala ang masasayang araw nila noong nabubuhay pa ito.

Ayon kay Claudine, napakasakit ang pagkawala ni Jaclyn na kalapit lang niya ng tirahan kaya lagi itong nagpupunta sa kanila and vice-versa.

“Feb.29 Direk Wenn left us. March 2 Nanay Jane u left us. you left me. I’m in unbearable Pain. everything is painful. u lived 11 houses down from my house. i will miss u coming up to my room tulog ako tatabihan mo ako. pag nagising ako sasabihin mo anak na miss ka lang ni Nanay. andito lang ako, tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog,” pagre-recall ni Claudine.

“Pag may pinagdadaanan ako tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. didiretso ako sa room mo at tatabihan kita. Sabay sabi Nay pwede dito muna ako. yayakapin mo ako ng mahigpit.

kakantahan at patatahanin. Kinabukasan may mainit na sabaw iaakyat ni yaya ging sakin,” patuloy pa ni Claudine.

Pero bago namatay si Jaclyn, three months na niya itong hindi nadadalaw kaya naman labis ang pagsisisi ni Claudine at humingi ng tawad.

“Galit ako kasi 3months na kita d dinadalaw. ayoko mag isa ka. Nay tulungan mo ako pls. i luv u sobra nay. ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa. ang sakit sakit nay. miss na miss kita. im sorry d kita naramdaman gaya ng dati. ikaw bilang nanay ko alam mo may mali andito ka kaagad. mahal na mahal kita Nay,” pahayag ni Claudine.

AUTHOR PROFILE