Cedric3

Cedrick sa paghilera kay Ate Vi: Kung may pakpak lang ako, baka lumipad ako!

December 29, 2023 Vinia Vivar 139 views

Mabibigat na aktor ang nakalaban ni Gomburza actor Cedrick Juan for Best Actor category sa 49th Metro Manila Film Festival’s Gabi ng Parangal na sina Alden Richards (Family Of Two), Piolo Pascual (Mallari), Dingdong Dantes (Rewind), Derek Ramsay (Kampon) and Christopher de Leon (When I Met You In Tokyo).

Kaya naman hindi inaasahan ng dating theater actor na siya ang makakapag-uwi ng tropeo nu’ng gabing ‘yon.

Ayon kay Cedrick after the awards night, sobrang overwhelming na maihilera siya sa mga hinahangaang aktor.

“Kung maihehelera ka kina Mr. Christopher, kina Sir Piolo, Mr. Dingdong and also Derek Ramsay, overwhelming talaga siya. Lalo na for someone na among five of us, ako ‘yung parang hindi naman kilala (ng) most of the people.

“So, it’s overwhelming talaga. It’s really, sobrang thankful talaga kasi it’s a validation of my artistry and craft,” pahayag niya.

Ani Cedrick, “At least, naramdaman ko na ito’y isang appreciation, recognition and affirmation sa sampung taon na ipinaglaban ko ‘yung pagmamahal ko sa pag-arte, paglikha at pagtatrabaho ko bilang artist ng Pilipinas.”

Ano naman ang masasabi niya na ka-level na niya si Vilma Santos na nanalo namang Best Actress nang gabing iyon?

“Wow, grabe, grabe talaga! Kung may pakpak lang ako, baka lumipad ako,” masaya niyang wika.

Pero idiniin din niyang hindi siya nagtatrabaho para sa award.

“I keep on saying na parang hindi talaga ako du’n sa award nagwo-work. Kasi, siguro, kung ‘yun ang ginawa ko, baka mamaya hindi ko mabigyan ng justice as kung paano ang sinasabi ng mga nanoood, ng justice ‘yung role ni Padre Burgos. Kasi, para sa akin talaga, it’s larger than life,” aniya.

AUTHOR PROFILE