Mikay1

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 29, 2023 People's Tonight 207 views

MikayMikay2Mikay3Mikay4TRYING to be the best version of myself everyday,” ang sey ng rising TikTok star na si Antoniette na hindi papakabog pagdating sa pagbibigay contents sa nasabing social media platform.

Si Mikay Tomz o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Antoniette” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing video-sharing app.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 460 thousand followers at higit 1.8 million likes sa kanyang account na may username na @antoniette199x. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @antoniette19xx, na mayroon nang halos 50 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook. Ang kanya ngang page ay mayroong halos 10 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip synching skills, sexy outfits, lifestyle contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pasayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Antoniette sa social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE