Vilma

Apat na best pictures sa MMFF 2023, ipinaliwanag

December 29, 2023 Eugene E. Asis 245 views

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang mga pangyayari sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2023.

May mga nagtatanong kung bakit nagkaroon ng 4th Best Picture na iginawad sa ‘When I Met You in Tokyo’ nina Vilma Santos at Christopher de Leon na nanalo rin ng FPJ Memorial Award.

Ayon sa kasama namin sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na si Jerry Olea (na isa sa mga tumayong hurado): “Sampu kasi ang mga kasaling pelikula at lahat naman magaganda. Kaya napagkaisahan ng komite na gawing apat ang best picture.”

Idinagdag niyang: “Walang hokus pokus diyan.” Sa madaling salita, wala silang binigyan ng pabor.

Hindi naman talaga nawawala ang kontrobersiya sa anumang awards night.

Noong 1994, naging hurado rin kami ng Metro Manila Film Festival kung saan ang head of jurors ay ang matapang at makatuwirang si Armida Siguion-Reyna. Dahil wala kaming mapiling best picture, napagkaisahan din namin na huwag magbigay ng award sa kategoryang ito. Dahil sa opinyon namin ay walang karapat-dapat sa naturang award, walang nanalong best picture. At dahil magaganda ang mga pelikula ngayon, napagkaisahan naman ng mga hurado ngayon na magbigay ng apat na best pictures. Ganun lang ‘yun.

Sharon nag-walkout matapos ‘di manalo?

SharonMAY mga nagsabi naman na pagkatapos mai-announce na nanalong best actress si Vilma Santos, umalis ng New Frontier Theater si Sharon Cuneta kasama ang buong pamilya.

In other words, parang lumalabas na nag-walkout ito dahil hindi siya ang nanalo. Inasahan din ito ng mga Sharonian na manalo ang megastar dahil mahusay naman talaga ang pagkakaganap niya sa ‘Family of Two (A Mother and Son Story).’

Pero hindi sinabi ng mga nakapuna na si Sharon ang unang-unang tumayo para pumapalakpak kay Vilma habang tinatanggap nito ang award. Tumayo rin at pumalakpak ang katabi niyang si Alden Richards na inasahan din na mananalong best actor pero nabigo nang manalo ang stage actor na si Cedrick Juan.

Matagal pa pagkatapos tanggapin ni Ate Vi ang best actress award niya bago umalis si Sharon kasama ang pamilya bagama’t hindi pa nga tapos ang awards night.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, muli niyang binati si Vilma dahil sa panalo nito. Kaya hindi totoo ang obserbasyon ng iba na nag-walkout ito matapos ‘di manalong best actress.

Ang sarap nga lang sana kung nanalo siya dahil kasama niya ang mga anak.

Cedrick Juan nagpakilala pa pagkatapos manalong best actor

Cedric2AH, sorry po. Magpapakilala lang po ako sa inyong lahat. Marami sa inyo ang hindi nakakakilala sa akin. Ako po si Cedrick Juan,” ito ang bungad ng nanalong best actor sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF 2023.

Mahaba ang pasasalamat niya, na pati sa mga aso niya ay inihandog niya ang kanyang award.

Nanalo siya dahil sa kanyang husay bilang si Padre Jose Burgos sa pelikulang “GomBurZa.”

Sa totoo lang, talagang marami pa ang hindi nakakakilala sa kanya. Ang iba nga, ang turing sa kanya ay isang bold actor. Napanood siya sa pelikulang ‘Two and One’ sa Vivamax Plus kung saan nagpakita siya ng katawan.

Sa isang stage play, muli siyang nagpakita ng katawan. Pero wika nga, ito ay bilang alagad ng sining. Sampung taon na siyang stage actor.

Ganito rin noon si Coco Martin. Kaya kung may magbibigay pa sa kanya ng maraming pagkakataon bilang actor, sa indie man o sa mainstream, makikilala rin si Cedrick Juan.

South Korean actor Lee Sun-kyun namatay na nasa tuktok pa ng career

LeeNAMATAY ang sikat na South Korean actor na si Lee Sun-kyun, 48, habang nasa tuktok pa ng kanyang career.

Noong December 27, natagpuan ng mga pulis si Lee sa loob ng kanyang kotse malapit sa Waryong Park sa Seoul na wala nang buhay. Nakatanggap ang mga pulis ng isang tawag mula sa isang babae na nagsasabing umalis sa kanilang bahay ang kanyang mister matapos mag-iwan ng isang suicide note.

Diumano, may kinalaman sa drug related issues ang dahilan ng pagpapakamatay, at may usap-usapan na na-depress si Lee dahil sa iskandalong ito. Hindi diumano pumayag ang mga pulis na maging lihim ang imbestigasyon, Humiling si Lee na huwag nang i-involve ang media sa imbestigasyon upang kahit paano ay mapangalaagan pa rin ang kanyang pangalan hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Biktima diumano si Lee ng panggigipit ng isang hostess at kasapakat nito na siyang nag-udyok sa kanya noong una na gumamit ng marijuana at isa pang prohibited drug, kaya napilitan siyang magbigay ng malaking halaga. Naidemenda niya ang babae pati na ang mga kasama nito. Gayunman, negative siya sa drugs nang i-test siya rito.

Dahil sa isyu, kahit hindi pa man napatutunayan ang kanyang kasalanan, tinanggal siya sa bagong seryeng ‘No Way Out.’

Isang mahusay na aktor, nakikilala si Lee sa Coffee Prince (2007), Miss Korea (2013-2014), My Wife’s Having An Affair This Week (2016), My Mister (2018), Diary of A Prosecutor (2019-2020), at Payback (2023).

Sa pelikula, natatandaan siya sa A Hard Day (2014), A Special Lady (2017), Jo Pil-Ho: The Dawning Rage (2019), Kingmaker (2013), at ang Oscar Best Picture-winner na Parasite (2019) kung saan siya kasamang pinarangalan. Ngayong 2023, kinilala rin ang husay niya sa pelikulang ‘Sleep’ na tumanggap ng papuri sa Cannes Film Festival.

Iniwan ni Lee ang kanyang misis, ang aktres na si Jen Hye Jin, at dalawang anak na lalaki.

Ginawa ang funeral niya ngayong Disyembre 29 matapos siyang i-cremate na dinaluhan ng maraming sikat na artista sa South Korea.

AUTHOR PROFILE