Shabong

SEN. BONG AT SHARON, SANIB-PWERSA SA MMFF 2024

December 29, 2023 Vinia Vivar 165 views

Dahil sa magandang resulta ng Metro Manila Film Festival 2023, ginanahan umanong sumali si Sen. Bong Revilla next year, ayon sa manager at nanay-nanayan niyang si Lolit Solis.

“Salamat at maganda naman naging resulta ng festival. Kaya nga bigla naisip ni Bong Revilla na sumali sa next festival,” ang post ni ‘Nay Lolit sa Instagram.

Maging ang veteran columnist/talent manager ay natutuwa sa unti-unting pagbangon ng movie industry.

“Maganda din na ang mga sumaling pelikula ginampanan ng malalaking stars na talagang tumulong sa promo para lalo pang umingay ang entry nila.

“There is hope in showbiz kaya naman nagtulungan ang lahat para magtagumpay muli ang pagbangon ng industry,” aniya.

“Sayang naman mga bagong stars na talagang hoping na maging matagumpay ang mga entry nila. Lumabas naman ang mga tao para manuod kaya masaya ang lahat,” patuloy pa niya.

Nabanggit din ni ‘Nay Lolit na posibleng ang entry ni Sen. Bong next year ay ‘yung movie na pagsasamahan nila ni Megastar Sharon Cuneta.

“Imagine mo pa na sasali at gagawa uli ng pelikula si Bong Revilla na puwede pang pagsamahan nila ni Sharon Cuneta kaya mas exciting talaga.

“Tutoong basta maganda at malaking artista ang gagawa tiyak na mai excite ang mga moviegoers.

“Kaya nga hintayin natin dahil tiyak na mas marami pa ang sasali sa next festival. Bongga,” sey ni ‘Nay Lolit.

AUTHOR PROFILE