Default Thumbnail

Byahe ng jeep tuloy sa Cubao sa kabila ng sunog sa terminal

February 10, 2023 Jun I. Legaspi 561 views

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatuloy ng biyahe sa mga modernized jeepneys sa Araneta City Cubao, Quezon City sa kabila ng nangyaring pagkasunog sa kanilang terminal.

Sa ginawang joint site inspection Biyernes ng LTFRB at pamunuan ng Araneta City Bus Terminal, maaari ng bumalik sa pamamasada ang modernized jeep simula Sabado, Enero 11.

Nasuri ng ahensya at Araneta bus management ang maayos na sitwasyon ng mismong terminal kung kayat nagkasundo na hindi na kinakailangan pang ilipat ng pansamantalang terminal.

Inaasahan din na magiging “fully operational” ang terminal sa Linggo, Enero 12, na makapagbibigay ng tuloy tuloy na serbisyo sa mga pasaherong tumatangkilik.

Pansamantalang naantala ang operasyon sa terminal dahil sa nangyaring sunog nitong Huwebes, Enero 9.

“Tinitiyak ng LTFRB na hindi po maantala ang operasyon ng terminal sa kabila ng nangyari para maging tuloy tuloy ang paghatid serbisyo sa ating mga kababayan sa kanilang nais na patutunguhan,” pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III.

AUTHOR PROFILE