Tulfo

Bullying sa mga ospital wakasan na–Sen. Tulfo

April 2, 2024 PS Jun M. Sarmiento 164 views

BIGYANG tuldok na ang bullying.”

Ito ang iginiit ng Sen. Raffy Tulfo sa pagdinig ng Committee on Health and Demography kung saan iginiit ng mga senador ang kahalagahan kung bakit dapat wakasan na ang bullying.

Isa mga serious effects ng bullying ang naganap na insidente sa loob ng East Avenue Medical Center sa Quezon City at sa University of Santo Tomas Hospital sa Maynila na ikinasawi pa ng isang buhay.

Ipinatawag sa pagdinig ang Department of Health (DOH) upang liwanagin kung ano ang naging resulta na imbestigasyon na kanilang isinagawa.

Ayon sa ulat, matindi ang epekto ng bullying sa loob mismo ng ospital sa isang medical frontliner na first year resident doctor gayundin sa mga interns at ilang mga physician staff na naapektuhan ang trabaho dulot ng ganitong uri ng pang aabuso.

Ani Tulfo, nais niyang marinig mismo sa Kalihim ng Department of Health kung paano ito reresolbahin upang hindi maging kalakaran ang bullying.

Si DOH Secretary Teodoro Herbosa, na dumating mismo sa pagdinig, naglahad na mismong ang EAMC director na nagsabing ang dalawang kaso ng suicide o pagpapakamatay sa ospital mismo ay walang kinalaman sa bullying incident kundi mga personal na problema na kinakaharap ng mga ito.

Niliwanag din ni Herbosa na 10 taun na ang nakakaraan sa suicide case sa UST Hospital.

Gayunman, iginiit pa rin ni Tulfo na hindi dapat matapos dito ang isyu. Tinanong niya si Sec. Herbosa kung anong mga pamamaraan ang kanilang inihanda upang protektahan ang mga biktima ng bullying.

Samantala, sinabi naman ng Committee Chair ng nasabing pagdinig na si Sen. Christopher Bong Go ang kahalagahan ng agaran pagpapatupad ng iminungkahing mga upgrading ng mga ospital upang hindi maantala ang maraming serbisyo para sa tao.

“I reiterate the need to ascertain the commitment of the Department of Health (DOH) and the Department of Budget and Management (DBM) as to the implementation and funding of these local bills.

It is crucial to know the priorities of the DOH and DBM in funding the construction, repair and rehabilitation of various health facilities,” ani Go.