Water Source: FB

Water providers sinabihan: Tiyakin ang sapat na H20 supply

April 2, 2024 PS Jun M. Sarmiento 77 views

PINAALALAHANAN ni Sen. Grace Poe ang lahat ng water provider na siguruhin ang walang patid na tubig sa mga households sa gitna ng tumitinding init dala ng El Nino.

Ayon kay Poe, napakatindi ng init at ramdam mula umaga hanggang gabi kung kaya’t maraming sakit ang pwedeng ibunga ng ganitong temperatura sa matanda man o bata.

“The heat is on; water is on high demand and without it, our health is at risk,” ani Poe.

Dapat lamang, ani Poe, na walang patid ang pagbibigay serbisyo sa tubig dahil ito lang ang tanging panlaban ng sinuman sa dinadanas na matinding init sa kasalukuyan.

Ayon pa rin kay Poe, isang paraan upang maprotektahan ang ating pangangatawan ang madalas na pag inom ng tubig.

Pwedeng magdulot ng ibat ibang uri ng sakit tulad ng mga gastro intestinal na problema, LBM (loose bowel movement) at marami pang iba’t-ibang uri ng karamdaman ang kakulangan sa tubig.

Si Poe ang siyang may akda ng Senate Bill No. 102 na layuning makalikha ng Department of Water Resources na siyang magiging tagapangalaga at tagatiyak na sapat at malinis sa kaligtasan ng bawat mamamayan ang tubig na kinokonsumo.