NHA LIGHTS UP–Ang mga residente ng Cool Springs Residences sa Brgy. Arado, Barauen, Leyte.

Brgy sa Leyte pinailawan ng NHA

April 6, 2024 Jun I. Legaspi 73 views

PINAILAWAN ng National Housing Authority (NHA) ang 600 housing units ng Cool Spring Residences sa Brgy. Arado, Burauen, Leyte na binayo ng bagyong Yolanda noong 2013.

Napagkalooban ang Cool Spring Residences, isang proyektong pabahay ng NHA sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP), ng linya ng kuryente sa pamamagitan ng pailaw ceremony.

Kasama sa programa si NHA Region VIII Manager Engr. Constancio G. Antinero, bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, sa nasabing pagsisindi ng ilaw at si Burauen Mayor Juanito Renomeron.

Kaugnay nito, namahagi ang NHA Region VI, katuwang ang lokal na pamahalaan President Roxas, ng P46.660 milyon pondo, sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP), para sa 9,332 pamilyang hinagupit ng Bagyong Ursula noong Abril 2-4, 2024.

AUTHOR PROFILE