Default Thumbnail

‘Boss’ arestado sa drug buy-bust

May 28, 2023 Jonjon Reyes 234 views

ARESTADO ang isang 25-anyos na binata sa isang buy-bust operation ng mga operatiba ng MPD,PS 12 sa Pier 2 Apex Compound Baranagay 20,sa Tondo Manila, Sabado ng gabi..

Kinilala ng mga kapulisan ng Maynila ang suspek na si alyas ” Boss,” 25, miyembro umano ng Bahala Na Gang ( BNG) at residente ng Parola Compound, Brgy. 20, Tondo.

Base sa ulat ni Police Major Conrado Lazaro , Deputy Commander ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, bandang 10 p.m.nang ilatag ang buy-bust operation ng kanyang mga tauhan sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Police Captain Tristan De Lara, hepe ng SDEU.

Nakasamsam ang mga awtoridad ng mahigit kumulang sa 1.8 gramong shabu na nakasilid sa tatlong plastic sachet na naghahalaga P12, 240 sa nasabing buy-bust. Tatlong P100 bills na marked money ang ipinain sa suspek.

Matapos ma idokumento ni Police Corporal Ryan Galamgam, may hawak ng kaso, dinala si ‘Boss’ sa Duty Inquest Fiscal sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 (Sale and Possession of Dangerous Drugs) Art. II, RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002)..

Pinasalamatan ni “The Game Changer Genera” MPD Chief Director Police Brig.Gen. Andre P. Dizon ang kanyang mga kapulisan sa Delpan Police Station-12 sa pamumuno ni PMaj. Conrado Lazaro dahil sa naging mapayapang operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot at patuloy na pagpapairal ng programa ng butihing director ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation,at Oplan galugad sa kanilang Area Of Responsibility (SACLEO).

AUTHOR PROFILE