Default Thumbnail

‘Reyna’ timbog sa pagbebenta ng solvent sa mga batang lansangan

May 28, 2023 Jonjon Reyes 283 views

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District-Soler Police Community Precinct ang isang 47-anyos na babae, matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng “solvent” sa mga batang lansangan sa Binondo, Manila, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, Meisic Police Station 11 commander, ang suspek na si alyas “Reyna”, dalaga, ng Barangay 270, Zone 5, Claro M. Recto Avenue, Binondo.

Ayon kina Police Staff Sargent Oliver Alfonso at Police Corporal John Christian Concepcion, pawang nakatalaga sa Soler PCP sakop ng Station 11 , bandang 12:00 ng madaling araw, nang arestuhin nila ang suspek sa panulukan ng C.M Recto at Elcano St, Binondo.

Nakita ng mga kapulisan na hawak ng suspek ang apat na botelya na naglaman nang umano’y “solvent” na nakasilid sa pulang eco-bag at ibinebenta umano sa mga batang lansangan.

Dahil dito, binitbit nila si “Reyna” at bago dalhin sa presinto ay isinailalim ito sa medical check up sa pinagdalhang pagamutan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree number 1619 si Reyna.
Agad nagpaabot ng pasasalamat at papuri si “The Game Changer General” MPD Chief PBGen. Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Soler PCP station, dahil sa patuloy na pagsasagawa ng operasyon 24/7 sa kanilang kinasasakupan.

AUTHOR PROFILE