Salceda

BOC pinuri sa pagkakasabat ng P3.7B halaga ng smuggled vape

March 3, 2024 People's Tonight 189 views

PINURI ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd district) ang Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng pagkakasabat ng P3.72 bilyong halaga ng smuggled electronic cigarettes sa magkahiwalay na raid sa Malabon at Paranaque.

“I congratulate Commissioner Rubio and his team for the big-time catches conducted today. Once again, the Flava brand of vapes, already the subject of the Committee’s investigation for P1.4 billion in evaded taxes, is once again involved,” sabi ni Salceda sa isang press statement.

Ang mga electronic cigarette na may brand na “Flava.”

Narekober sa warehouse sa San Dionisio, Parañaque City ang 1.5 milyong piraso ng Flava brand e-cigarette at iba’t ibang flavor nito na aabot sa P1.53 bilyon ang halaga, kasama na ang excise tax na dapat bayaran.

“The Committee wants Flava Corporation shuttered. And, this probably strengthens the case against them,” sabi ni Salceda.

Matatandaan na inimbestigahan ng komite ni Salceda ang hindi umano pagbabayad ng Flava ng tamang buwis at ang pagbebenta nito ng mga produkto sa mga menor de edad na ipinagbabawal ng batas.

Bagamat nakarehistro umano ang Flava bilang manufacturer, wala umano itong kakayanan na gumawa ng produkto sa Pilipinas at inaangkat lamang ang mga ibinebenta nito.

AUTHOR PROFILE