Default Thumbnail

BoC pinangangalagaan ang kalusugan ng mamamayan

May 16, 2021 Vic Reyes 510 views

ANG mandato ng Bureau of Customs (BoC) ay mangolekta ng buwis at patigilin ang ismagling.

Pero maraming hindi nakakaalam, may isa pang mandato ang ahensiya, ang pangalagaan ang kalusugan ng taumbayan.

Pinangangalagaan ng BoC ang kalusugan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagharang sa pagpasok sa bansa ng mga hazardous products.

Ang mga nakalulusot pero nahuhuling peke, hindi rehistrado at unfit for human consumption ay sinisira ng ahensya.

Sa unang tatlong buwan ng 2021, maraming forfeited, abandonado at kumpiskadong produkto ang sinira ng BoC.

Nagkakahalaga ng mahigit P763 milyon, ang mga sinirang produkto ay kinabibilangan ng sigarilyo, produktong agrikultura at pagkain.

May mga winasak ring sasakyan.

Ang bulto ng mga sinirang produkto ay mga pekeng sigarilyo.

Ang mga ito nagkakahalaga ng P364 milyon.

Kabilin-bilinan ni BoC Chief Rey Guerrero sa kanyang mga tauhan na lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa ismagling.

***

Mabilis at maayos ang paglabas sa NAIA ang mga dumarating na bakuna laban sa COVID-19.

Sa totoo lang, pre-cleared na ang shipment ng mga bakuna.

Ang Port of NAIA at Inter-Agency Task Force (IATF) ay nagtutulungan para maayos ang pagdating at paglabas ng mga bakuna sa paliparan.

Kagaya ng mga naunang dumating na bakuna, sinalubong ng mga opisyal ng gobyerno ang pagdating ng unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine noong Lunes.

Ang mga bakuna, na gawa sa Estados Unidos, ay lulan ng DHL flight number LD 457 mula Denmark.

Ang Pfizer vaccine ay binigyan ng FDA ng Emergency Use Authorization (EUA) noon pang Enero 14, 2021.

Ayon sa record, meron ng 7.7 milyong doses ng iba’t ibang bakuna ang “cleared” ng BoC.

Ito ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at ngayon nga ay Pfizer.

Ang BoC ay committed na ilabas kaagad sa paliparan ang mga bakuna, ayon kay port of NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan.

Okay yan, Ma’am Mimel.

***

Natatawa na lang tayo sa pagde-deny ng ilang politiko.

Maaga pa raw para pag-usapan ang eleksyon sa isang taon.

Paanong maaga, sa October 1 na magsisimula ang walong araw na paghahain ng Certificate of Candidacy para sa parating na halalan.

Ang totoo niyan, kaliwa’t-kanan na ang konsultasyon para piliin ng mga partido ang kani-kanilang kandidato.

Hindi mo maiisahan ang mga tusong politiko.

Kunwari walang interest kumandidato pero panay naman ang pa-cute naman.

Buhay Pinoy talaga!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE