BoC Chief Guerrero, focus lang sa trabaho

November 28, 2021 Vic Reyes 25 views

Vic ReyesKAHIT tumitindi na ang banatan sa pukitika, nananatiling maganda ang serbisyo sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ang maganda kung walang hilig sa politika ang namumuno sa isang ahensiya.

Sa tingin natin ay focus lang si BoC Chief Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa kanyang trabaho.

Tama lang ‘yan!

Hindi kasi puwedeng ma-distract sa trabaho ang mga taga-aduana.

Unang-una, nandiyan pa rin ang COVID-19 pandemic.

Pangalawa ay patapos na ang administrasyong Duterte.

Noong mga nakaraang panahon ay kanya-kanya ng hanap ng padrino sa mga presidentiable ang mga kawani ng BoC.

Lalo na ang mga humahawak ng magagandang puwesto sa aduana.

Alam kasi nilang magkakaroon ng malawakang balasahan pag-upo ng bagong presidente ng bansa.

Mabuti naman at wala tayong napapansin na ginagawa ng mga nakaupo sa puwesto.

Trabaho lang ang inaatupag ng mga opisyal at iba pang kawani ng ahensya.

Nahihiya siguro sila kay Sir Jagger dahil tutok lang ito sa trabaho.

O baka naman palihim lang na naghahanap ang iba nang malalapitan kapag nag-iba na ng administrasyon.

Okay lang basta hindi naapektuhan ang trabaho nila. Kailangan kasi nating makalikom ng malaking pera upang matusrusan ang iba’t ibang proyekto ng pamahalaan.

***

Maging alerto tayo sa bagong variant ng COVID-19 na nagiging problema sa South Africa at anim na iba pang bansa.

Ito ang Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Botswana at Mozambique.

Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang bagong variant na Omicron.

Gusto ring isama ni Rep. Angelica Natasha Co sa travel restrictions ang Hong Kong at Israel.

Napabalita kasing nagkaroon na raw ng Omicron sa dalawang bansa.

Alerto po tayo dahil baka magkaroon ng bagong ng COVID-19 sa bansa.

Noon ay nakapasok sa bansa ang iba’t ibang variants dahil sa “poor border controls.’

****

Sa Miyerkules ay December 1 na.

Hudyat na magsusulputan na naman ang iba’t ibang kalokohan.

Abala na naman ang mga miyembro ng akyat bahay, mandurukot, isnatser, holdaper at iba pang masasamang elemento.

Dapat paigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa mga kalsada, mall, simbahan at iba pang paboritong puntahan ng mga tao.

Mahirap ng mabiktima tayo ng mga masasamang loob.

Sa hirap ng buhay, siguradong may mga makakaisip magsamantala sa kapwa kahit alam nilang maraming tao ang naghihirap ngayon.

Marami ngang pamilya ngayon ang “maraming kahig, isang tuka” ang kalagayan.

Tsk tsk tsk….

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email: tingnannatin08@gmail.com. ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE