Toni

Birthday concert ni Toni napupulitika?

January 15, 2023 Aster Amoyo 403 views

ImgSA Biyernes, January 20, 2023, 39th birthday ng singer-performer, host, producer at celebrity endorser na si Toni Gonzaga (Celestine Cruz Gonzaga-Soriano). On this day ay ise-celebrate din niya ang kanyang 20th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng isang major concert na gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum), ika-8 ng gabi, billed as “I Am Toni”.

A few days to go before the `big day’ ay may naglabasan na kesyo slow moving ang tickets na iniugnay sa mababang turn-out ng kanyang Metro Manila Film Festival movie, ang “My Teacher” na pinagsamahan nila ng veteran actor-comedian at host na si Joey de Leon na dinirek ng mister ni Toni na si Direk Paul Soriano and co-produced by the couple under their respective productions, ang Ten17P at TinCan Productions.

Dahil dito, to the rescue kaagad ang isa sa mga co-producer ng concert ni Toni, ang actor-producer na si Joed Serrano na nagsabing

“Ang totoo, 55% of the tickets ay sold-out na, 20% goes to the sponsors who pledged their support for Toni.”

Ipinaliwanag niyang totoo na bumili si Mommy Pinty (mother of Toni) ng 350 tickets “for her friends, relatives at mga ka-church mates na sa kanya um-order.”

Sinabi pa ni Joed na kahit siya, nag-reserve ng 300 tickets para sa kanyang mga kaibigan na sa kanya umorder, sa halip na Ticketnet.

Inamin ni Joed na may 15% tickets pang unsold, pero marami pa naman ang bumibili. May payo siya sa mga taong negatibo lamang ang nakikita: “Let us all unite and be positive in life. Move on na and be kind to all. Let us give ourselves a chance to do good in this world. Smile, ‘wag nega sa buhay. Kung wala kayong sasabihing di maganda, then might as well be quiet kesa magkasala pa kayo. Hindi po ito pulitika.”

LisaLisa1Lisa2Lisa3Lisa4Lisa5Ang mga naiwang kayamanan ni Lisa Marie Presley

PUMANAW na ang kaisa-isang anak ng yumaong American music icon na si Elvis Presley sa misis nitong si Priscilla Presley, ang singer-songwriter na si Lisa Marie Presley last Thursday, January 12, sa edad na 54 due to cardiac arrest.

Siya’y nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Graceland in Memphis, Tennesssee kung saan din nakalibing ang kanyang amang si Elvis Presley, her paternal grandparents na sina Gladys at Vernon Presley, anak na si Benjmain Keough at iba pang miyembro ng Presley family..

Nang sumakabilang-buhay si Elvis nung August 1977, isa sa mga beneficiary si Lisa Marie along with her grandfather na si Vernon Presley and great grandmother na si Minnie Presley. Nang sumakabilang-buhay ang dalawa, naiwan lahat ng mga ari-arian at estate ni Elvis kay Lisa Marie.

Ngayong pumanaw na rin si Lisa Marie, lahat ng kanyang mga naiwang properties ay paghahati-hatian ng kanyang tatlong anak na sina Riley Keough (her eldest) at ang twin daughters na sina Finley Arron Love Lockwood at Harper Vivienne Ann Lockwood.

Eighty-five percent (85%) ng Presley Estate ay binenta ni Lisa Marie in 2014 at tanging naiwan ang Graceland estate ng music icon.

Next to the White House, ang Graceland home ni Elvis ang most-visited celebrity home sa buong Amerika.

Ang property ni Elvis ay kanyang nabili when he was 22. Ang Graceland estate ng music legend ay dinarayo ng mahigit 500,000 visitors and tourists sa loob ng isang taon. Bukod sa mga furniture at personal na gamit ni Elvis na naka-display sa kanyang bahay, naroon din ang dalawa niyang eroplano, ang Lisa Marie na siya niyang ginagamit sa kanyang mga concert tour at ang Hound Dog II.

Lisa Marie was four years old nang magkahiwalay ang kanyang parents with her living with her mother na si Priscilla pero madalas din siyang magtungo ng Graceland to be with her father.

The singer-songwriter married four times, dalawa sa mga musicians na sina Danny Keough (kung kanino siya may dalawang anak), si Michael Lackwood (kung kanino siya may twin daughters), ang King of Pop and another music icon na si Michael Jackson and another Hollywood veteran actor and producer na si Nicolas Cage. Hindi siya nagkaroon ng anak sa dalawa.

Lisa Marie met Michael Jackson when she was 7 in one of his concerts in Las Vegas and when they became adults nagsimula silang magkaibigan (fall in love).

His marriage to Nicolas only lasted for barely three months at agad nag-file ng divorce ang actor.

When Lisa Marie was about 12, she confessed that she was sexually abused by her mother’s boyfriend, ang veteran actor na si Michael Edwards.

Bukod sa tatlong babaeng anak, buhay pa rin ang ina ni Lisa Marie na si Priscilla, dating actress at businesswoman, now 77 years old.

SunshineSunshine babawasan ang pagiging sexy dahil sa boyfriend?

KAKAIBA ang aura ngayon ng Viva sexy star at vlogger na si Sunshine Guimary dahil in love ito sa isang prominent guy at nakakaisang taon na sila sa relasyon.

The guy comes from a popular political clan pero ito’y nagta-trabaho bilang isa sa mga undersecretary ng isang sangay ng pamahalaan. He used to be married to the sister ng dalawang popular actresses and they have two kids – a boy and a girl pero annulled na ang kanilang kasal.

Na-link din ang guy sa isang talent ng GMA na kamuntik niyang pakasalan and another sexy actress ng isang film company pero hindi umano ito tumagal.

We know the guy kaya may kaunti kaming background sa kanya.

The Cebu-based actress-vlogger na si Sunshine was launched by Viva sa pamamagitan ng sexy movie na “Kaka” at wala itong pakialam pagdating sa pagpapa-sexy sa harap ng camera.

Ngayong meron itong bagong boyfriend na isang government official, hindi naman kaya ma-rendahan na ang kanyang pagpapa-sexy?

“Depende naman. Kung maganda ang material, puwede pa rin naman siyangmagpa-sexy,” pahayag ng boyfriend ngayon ni Sunshine na supportive sa kanya.

Masaya naman ang sexy actresss dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay binigyan siya ng Viva Films ng isang wholesome movie, isang comedy na pinamagatang “Hello, Universe” kung saan tampok sina Janno Gibbs, AnjoYllana at Benjie Paras mula sa panulat at direksiyon ni Xian Liam na magbubukas sa mga sinehan sa buwang ito ng Enero.

“I had fun doing the movie,” pag-amin niya. “I don’t have to bare sa pelikulang ito,” natatawa pa niyang pahayag.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Folllow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE