Anjo

Anjo, pinagsisisihan ang pang-iiwan kay Janno

January 14, 2023 Vinia Vivar 216 views

Isa sa mga pinagsisisihang desisyon ni Anjo Yllana sa kanyang career ay nang iwanan niya si Janno Gibbs sa Ober Da Bakod sitcom nila sa GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN.

Sa mediacon ng Hello, Universe! ay nag-throwback si Anjo sa panahong iyon na hanggang ngayon daw talaga ay masakit pa rin sa kanya.

“Until now, nararamdaman ko, when I think about it, I can still feel pain ’pag naalala ko ‘yung sitwasyon na ‘yun. Na there was a time, I had to make a choice.

“Because of the channel wars of ABS-CBN and GMA-7, I was forced to leave Janno sa Ober Da Bakod,” kwento ni Anjo.

“After one year or two years, nami-miss ko na ‘yung samahan namin, nami-miss ko na ‘yung kami ang namamayagpag noon sa GMA-7. I felt sadness. And it took me years,” dagdag niya.

Hanggang ngayon nga raw ay may mga “what if” moment pa siya na tinatanong niya ang sarili what if hindi siya umalis.

“Kasi, parang that ended all the parang ‘yung chemistry namin, success, samahan, for a long, long time. Kasi, na-stuck ako sa Channel 2, na-stuck ako sa Regal, hindi na ako nakakagawa ng movie sa Viva,” sey niya.

Itinuturing daw niya isa sa low points ng kanyang buhay ang panahong iyon.

“I regret na naiwan ko si Janno kasi ang dami pa namin sanang nagawa or pinagsamahan,” aniya.

Good thing, nanatili ang closeness nila kahit hindi na sila nagkakatrabaho that time, at hanggang ngayon.

Matatandaang naging parte si Anjo ng Palibhasa Lalake at kung hindi kami nagkakamali, ito ang ipinagpalit niya sa Ober Da Bakod.

Samantala, reunited sina Anjo at Janno sa Hello, Universe ng Viva Films kaya naman masayang-masaya ang dalawa na muli silang nagkatrabaho.

AUTHOR PROFILE