Villamor Pinangunahan ni PLt. Col. Jonathan Villamor (gitna), MPD-3 chief, ang Bgy. Ugnayan at bloodletting activity kasama sina PLt. Ferdinand Cayabyab, hepe ng Blumentritt PCP at PLt.Norman Marcos,ng Station Community Affair Development Section ( SCADS).Kuha ni JONJON REYES

Bgy. Ugnayan, bloodletting pinangunahan ng MPD-3 chief

July 24, 2022 Jonjon Reyes 592 views

NAGLUNSAD nang dialogo at Ugnayan sa mga Barangay Chairman sa Sta. Cruz, Manila, ang bagong Manila Police District – Station 3 commander na si PLt. Col. Jonathan (Jojo) Villamor noong Sabado ng hapon.

Ang Ugnayan sa mga Barangay na pinamunuan ni Zone Chairman Irene Benito at ng mga punong barangay na sumasakop ng Barangay 345 sa Sta.Cruz.

Naging paksa ng ugnayan ang kampanya na maging drug-free at crime-free ang bawat barangay alinsunod sa direktiba ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo ‘Paco’ Francisco.

Kasama din sa ugnayan sina PLt. Ferdinand Cayabyab, Block Commander ng MPD- Blumentritt Police Community Precinct ng Station 3 at PLt. Norman Marcos,ng Station Community Affair Development Section (SCADS)..

Naglunsad rin si Villamor at MPD 3 ng bloodletting activityna may temang “Nabubuhay ang Bayan kapag Nagbibigay ang Tao” alinsunod sa pagdiriwang ng 27th Police Community Relations Month.

Sa pakikipagtulungan naman ng Chinese General Hospital at Medical Center sa pangunguna ni Gracita Javier, Vice President Deputy Administrator Department, kasama si Chairwoman Ma. Victoria Grande, Barangay Based Advocacy Support Group President, ginanap ang bloodletting activity sa Barangay 377 Zone 38, Sta. Cruz.

AUTHOR PROFILE