Kampeon

Kampeon ng Edukasyon

July 24, 2022 People's Tonight 287 views

Pinarangalan ang Lungsod ng Antipolo sa katatapos lang na unang Gawad Edukampyon Awards for Early Childhood Care and Development (ECCD). Nakamit ng Antipolo City ang EXEMPLARY performance na may overall 95 percentage points “Nais kong ipamana sa ating mga kababayan bago matapos ang aking panunungkulan ay ang kaalaman na kahit san man sila mapadpad sa Pilipinas, kilala ang ating Lungsod dahil sa husay.

Yung tipong synonymous na ang “husay” at ‘Antipolo City,’” ayon kay Mayora Andrea “Andeng” Ynares. Ang basehan ng excellent performance ay dahil sa dedikasyon sa pagpapatupad at pagpapatibay ng mga programa pagdating sa Early Childhood Care and Development, suporta sa Basic Education, at sa malasakit ng child development workers/daycare workers pagdating sa serbisyo publiko.

“Ang parangal na ito ay para sa inyo mga child development workers/daycare workers na matiyagang nagtuturo sa mga kabataannatin na siyang magiging tagapagmana hindi lang ng Antipolo City kungdi ng ating bansa. Maraming salamat sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, Center for Local and Professional Development (CLGPD) at Rex Education sa inyong tiwala,” dagdag ni Mayora Andeng.

AUTHOR PROFILE