Default Thumbnail

Bgy chairman timbog sa Sampaloc

March 27, 2023 Jonjon Reyes 306 views

WALA nang nagawa pa at hindi na nakapalag ang isang 54-anyos na barangay chairman, matapos siyang arestuhin sa bisa ng arrest warrant na bitbit ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station (PS) 4, dahil sa kasong “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” sa loob mismo ng barangay hall, umaga nitong lunes.

Ang suspek ay residente ng Sampaloc.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas 9:45 ng umaga, nang arestuhin ang suspek sa loob mismo ng kanyang opisina sa pangunguna ni PEMS Luis Coderes, hepe ng Intelligence and Warrant Section.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Renato Zaleta Enciso ng Regional Trial Court Branch 12 na may petsang Marso 24, 2023 dahil sa nasabing kaso sa ilalim ng Republic Act (RA) 3019 at may inilaang P90,000 na piyansa.

AUTHOR PROFILE