Bela huhusgahan na kasama sina JC at Zanjoe

April 20, 2022 Aster Amoyo 77 views

MALAPIT nang husgahan ang trabaho ni Bela Padilla bilang director. Ipalalabas na kasi sa Vivamax ang solo directorial job niya titled ‘366’ na siya rin ang sumulat ng script.

Siyempre, marami ang curious at gustong mapanood how Bela measured up to the challenge of being a newbie director. Marami na siyang pinahanga as an actress. Will she gain more plaudits as a director this time?

Samantala, sa huling zoom con for ‘366,’ binanggit ni Bela na mas lalo siyang humanga sa husay ng kasama niyang aktor sa naturang pelikula na si JC Santos. Masyado raw kasi ginalingan ni JC. Hindi pa raw niya sinasabing umiyak ito sa eksena ay nagpatulo na agad ito ng luha . Isa sa fave leading man ni Bela si JC.

Ayon naman kay JC, masyado kasi siyang na-impress sa ipinakitang husay ng isa pa nilang kasama sa pelikula na si Zanjoe Marudo. Separate shooting skeds kasi sila ni Zanjoe kaya napapanood ito ni JC.

“Nag-enjoy ako panoorin si Zanjoe kasi iba siya rito compared to his past movies,” wika pa ni JC.

Maging si Bela ay agree na kakaibang Zanjoe ang mapapanood ng viewers sa ‘366.’

Sabi naman ni Zanjoe, he was challenged sa role na ibinigay sa kanya ni Bela kaya naman pinagbutihan niya ang acting. Ayaw naman niyang sayangin ang tiwala ni Bela who believed na kaya niya ang role although Zanjoe admitted na during the first shooting day ay hindi siya sure kung tama ba ang kanyang ginagawa.

Sino kaya ang mas nag-shine in terms of acting – si JC o si Zanjoe? We will know the answer pag ipinalabas na ang ‘366.’

Masasagot na rin ang tanong kung may K magdirek si Bela.

Bagong TV series, malaking challenge kay Ai Ai

BOX-office queen Ai Ai delas Alas is one of the awardees ng Philippines’ Most Exceptional Men and Women 2022 na gagawin sa Okada Manila Grand Ballroom sa April 27, 2022.

Ang awards ay spearheaded by Miss Maria Charo Calalo, National Director ng Mrs. Universe Philippines Foundation.

Si Ai Ai ay ginagawaran ng parangal dahil sa kanyang achievements as a box-office comedy queen (courtesy of the movie, Ang Tanging Ina), best actress awardee, multi-media brand ambassador, philanthropist and entrepreneur.

Ito ang bagong addition sa mahabang listahan ng mga parangal na natanggap ni Ai Ai thru the years.

May bagong series si Ai Ai sa GMA 7, ang ‘Raising Mamay’ kasama ang new actress na si Shayne Sava, kung saan isang mentally-challenged character ang kanyang ginagampanan.

Bagong acting challenge ito for her pero ayon sa kanya, may guidance naman daw siya sa performance niya thru a psychologist who explains to her kung paano ang dapat na atake sa role.

Dahil sa aksidenteng pagkabaril sa ulo ng kanyang character, naging mistulang bata ang kanyang pag-iisip kaya ang anak niya ang nag-alaga sa kanya.

“Isa ito sa the most challenging roles na nagampanan ko,” pahayag ng comedy concert queen about ‘Raising Mamay.’

Rowell pinalitan ng mas batang direktor

SI Rowell Santiago ang original director ng Iconic concert nina Megastar Ms. Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez when it was first staged sa Araneta Coliseum three years ago.

Pero tumanggi na si Rowell to direct the concert this time dahil sobrang busy siya sa TV series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kung saan dalawang katauhan ang kanyang ginagampanan – ang fake president at ang tunay na president Oscar Hidalgo.

Kaya kahit na tapos na ang taping ng ibang stars ng serye, nasa set pa rin si Rowell at umaakting pa.

Kaya minabuti ng producers ng Full House Theater Company na kumuha ng ibang director at ang young director na si Paolo Valenciano ang napili nila.

Pareho nang naidirek ni Paolo sina Sharon at Regine in their respective solo concerts pero this time lang sila maha-handle nang sabay ang dalawang sikat na music icons.

Kapwa excited sina Sharon at Regine kung anong mga bagong ideas ang ibabato ni Paolo sa kanilang unang production meeting for the ‘Iconic’ concert.

Excited na rin ang dalawa na marinig si Paolo na tinatawag silang “Tita” while directing them dahil they practically saw Paolo grew up right before their eyes.

Yung bata na nakikita lang nila dati ay director na nila ngayon.

AUTHOR PROFILE