Crime

Bebot binaril sa noo, dedo

January 23, 2023 Jonjon Reyes 261 views

DEAD on the spot ang isang bebot nang tinaniman ng bala sa noo na tumagos sa likurang bahagi ng ulo nito ng di pa kilalang suspek sa Block 1 – Dubai Street Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Dakong 1:10 p.m. ng Lingg, nang ideklarang patay ang biktimang si Maica Salapate, ng nasabing lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan sa tumakas na suspek habang nangagalap ng testigo sa ikalulutas ng kaso.

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- HS , isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap sa insidente, hinggil sa pagkamatay ng dalaga.

Base sa report nina Police Corporal Jaime Balang at Police Staff Sargent Zoilo Nazario, itinawag sa kanilang tanggapan mula kay Jovencio Divina Gracia , sekyu ng Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ang tungkol sa pagkamatay ng biktima.

Bandang 5 p.m. ng Enero 20 nang barilin sa noo ang biktima. Ilang tambay sa lugar ang nagtulong tulong na maisugod ito sa pagamutan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, diumano’y may kasamang kaibigan ang dalaga nang sumulpot ang suspek at binaril ito sa ulo.

AUTHOR PROFILE