Bea Alonzo Bea Alonzo

Bea dumami ang posibleng maging leading man

July 2, 2021 Aster Amoyo 820 views

NOONG isang taon pa napabalita ang unang tambalan sa pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards who then belonged to rival stations. Si Bea ay prized star dati ng ABS-CBN habang si Alden ay isa sa top actors ng GMA.

Sina Bea at Alden ay nagkasama sa isang shampoo commercial na kinunan pa sa Bangkok in January 2020 bago ang lockdown dahil sa pandemya. Doon pa lamang ay parehong nagpakita ng interes ang dalawa na gusto umano nilang magsama sa pelikula na inaasahang matutuloy this year, hopefully next month. Ang pelikulang gagawin nina Bea at Alden ay ang Philippine adaptation ng “Pure Soul” na nakatakdang pamahalaan ni Andoy Ranay at joint production ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng exclusive movie contract ni Alden.

Sina Bea at Alden ay lumagda ng movie contract for GMA, Viva at APT first week of March this year para sa nasabing proyekto. Pero bago pa man simulan ang nasabing movie project ay isa na ring ganap ng Kapuso si Bea matapos itong i-welcome ng Kapuso network as their newest star contractee.

Although hindi pa pumipirma ang perennial screen partner ni Bea na si John Lloyd Cruz sa GMA, given na ito matapos makitang nakipag-meeting ang aktor kay Annette Gozon-Valdes at mag-guest sa isang event hosted and produced by Willie Revillame shown on GMA.

Sa mga susunod na araw, si John Lloyd naman ang iwe-welcome ng Kapuso Network to their fold.

Sina John Lloyd at Bea ay parehong homegrown talents and stars ng ABS-CBN kaya maituturing na big acquisition ng GMA ang paglipat ng dalawa sa kanilang kuwadra.

Bukod kay John Lloyd, posible ring makapareha ni Bea ang iba pang Kapuso actors na sina Dingdong Dantes, Derek Ramsay, Richard Yap, Dennis Trillo, Tom Rodriguez at iba pa. Sina Derek ay Richard ay pareho ring sa Kapamilya network nagsimula at nakilala.

Sina Bea at Dingdong ay nagtambal na sa pelikula under Star Cinema, ang “She’s The One” in 2013 na dinirek ni Mae Czarina Cruz-Alviar. Sina Bea at Derek naman ay tatlong beses nagkasama sa pelikula sa ilalim ng Star Cinema, ang “One More Chance” in 2007, “And I Love You So” in 2009 at “Kasal” in 2018.

Bea was welcomed as the new Kapuso star last Thursday, July 1.

Maricel at William muling magtatambal sa pelikula

NGAYONG tapos na ang filming ng reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang “Deception,” may mga iba pang proyektong iniisip ngayon ng neophyte film producer na si Atty. Ferdie Topacio at isa sa kanyang pina-planong film project ay ang balik-tambalan naman ng isa sa hottest loveteams in the 80’s, ang team-up nina Maricel Soriano at William Martinez.

Naniniwala si Atty. Topacio, na strong pa rin ang following noon nina Maria (Maricel) at Kulit (William) at kaya rin nilang humatak sa bagong henerasyon ng fans and supporters.

“I have always been a big follower of Maricel and William tandem,” pag-amin ng bagitong movie producer na isa ring movie critic.

Kapag ito’y natuloy, maraming fans nina Maricel at William ang mabubuhayan ng loob.

Samantala, malaking halaga na rin ang nailabas ni Atty. Topacio para sa pelikulang “Mamasapano” na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo under Borracho Films. Umaasa ang bagong movie producer na ito’y matatapos na rin sooner than expected.

Anne gagawa rin ng pelikula under GMA

MUKHANG may nilulutong joint venture ngayon ang GMA at Viva para sa isang Anne Curtis starrer na hindi pa alam kung sino sa Kapuso actors ang makakapareha.

Anne Curtis
Anne Curtis

Nakipag-meeting na si Anne at mga taga-Viva (via Zoom) sa mga boss ng GMA Pictures na sina Annette Gozon-Valdez at Joey Abacan pero hindi nila nire-reveal kung sino ang makakapareha ni Anne na ang career ay nagsimula sa bakuran ng GMA in 1997 bago siya naging Kapamilya in 2004.

Over at GMA, may posibilidad ang balik-tambalan nina Anne at Dingdong na nagsama sa hit 2018 movie na “Sid & Aya: Not A Love Story” na dinirek ni Irene Villamor and produced by Viva Films. Of course, other leading man options sina Alden Richards, Richard Yap, Dennis Trillo, Rom Rodriguez, John Estrada and even John Lloyd Cruz, among others.

ABS-CBN may mga bagong pinasisikat

OVER at ABS-CBN camp, nawala man sa kanila ang ilan sa kanilang mga homegrown talents and stars tulad nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Maja Salvador at iba pa, this does not stop the Kapamilya network from building up existing and raw talents dahil nasa kanilang kuwadra pa rin ang majority ng mga top star tulad nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Vice Ganda, Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Judy Ann Santos at napakarami pang iba. May napaputok na naman silang bagong loveteam, ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano among other new loveteams.

In a way, maganda na rin na parehong up on their toes parati ang ABS-CBN at GMA and even TV5 para may choices ang audience na siyang tumatangkilik sa kanilang respective `creations’.

Ex ni Ara dumalo sa kasal nila ni Dave

HINDI kailangan na maging magkaaway ang dating magkarelasyon at ito’y pinatunayan ng bagong kasal na si Ara Mina sa kanyang ex-boyfriend at ama ng kanyang 6-year-old daughter na si Amanda, ang mayor ng Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Kahit matagal nang hiwalay sina Ara at Patrick ay napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak na pareho nilang mahal na mahal. They are co-parenting their only child na carbon copy ni Patrick.

Just to prove na maganda ang relasyon nina Ara at ng ama ng kanyang anak, personal na inimbitahan ng newly-wed couple na sina Ara at Dave Almarinez si Patrick to their wedding held in Baguio last Wednesday, June 30 at dumalo ang young politician, bagay na ikinatuwa hindi lamang ng bagong mag-asawa kundi laluna ng anak nina Ara at Patrick na si Amanda at ng mga dumalo sa kasal.

Although si Dave ang stepdad ni Amanda, Patrick will always remain the biological father of Amanda.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE