Default Thumbnail

Bataan LTO pinuri ng solon sa mabilis na proseso

February 4, 2023 Christian D. Supnad 335 views

BALANGA CITY, Bataan – Dahil sa mabilis na proseso sa pagpapa-renew ng driver’s license, pinuri nitong Biyernes ni Congressman Abet S. Garcia ang Land Transportation Office (LTO) dito sa lalawigan.

“Sa ating pagbisita sa satellite office ng Land Transportation Office (LTO) sa Vista Mall Bataan, sinubukan po natin na magpa-renew ng ating driver’s license at personal kong naranasan ang mabilis na proseso sa pagrerenew nito,” ani Garcia.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na nais niyang pasalamatan at purihin ang mga kawani ng nasabing satellite office sa pamamahala ni Ronald O. Navarette.

“Makaaasa po ang lahat na patuloy ang pagsisikap ng inyong lingkod upang gawing mas sistematiko, episyente at mabilis ang paghahatid ng mga de-kalidad na serbisyo publiko na isa sa mga susi tungo sa ibayong kaunlaran ng ating Lalawigan gayundin sa pagkakaroon ng mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng ating mga kababayan hindi lamang sa ikalawang distrito kung hindi maging sa buong Bataan,” dagdag pa ni Garcia.

“Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, at ibayong pag-iingat sa ating lahat,” ani Congressman Garcia.