Default Thumbnail

Bastos na Pari!

December 6, 2021 Marlon Purification 598 views

Marlon PurificationHINDI ko na papangalan ang paring ito dahil baka lalo lang sumikat!

Basta ang alam ko hanggang ngayon ay pinuputakti siya sa social media.

Mag-post ba naman si Father na “kung hindi kayo boboto sa matinong kandidato, ‘wag na kayo magsimba. Pa-lecture-lecture pa sa simbahan, pa-quote-quote pa ng bible tapos susuporta sa demonyo. Anong klase kayo? Handa na rin akong mawalan ng kaibigan kung ganyan din lang.

Hindi tayo sure kung si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ba ang pinatutungkulan ng pari.

Pero sigurado ako, hindi ito si Leni Robredo dahil may mga pictures ito sa social media na kasama ang pambato ng Dilawan na animo’y BFF sila at super close sa isa’t isa isa.

Sa ginawang ‘kabastusan’ ni Father, natanggap din nito ang lahat ng uri ng kabastusan at batikos sa social media.

Hindi tayo madalas na nagbabasa ng Bibliya. Pero gusto ko lang gamitin ang isang kataga sa Banal na Kasulatan sa Mateo 7: “Huwag hahatol ng kapwa upang hindi kayo hatulan!”

Napakasimple ng salitang ito na kahit batang paslit ay kayang intindihin.

Itong si Father ay hindi ko alam kung naparami ng ininom na alak na Mompo o sadyang nalalasing na siya sa kanyang kapangyarihan bilang alagad ng Simbahan.

Anong karapatan niya para diktahan ang ating mga kababayan sa mga iboboto sa darating na halalan?

Saklaw na rin ba ng simbahan ang malayang makapili ang sinuman ng iboboto nilang kandidato?

Hindi ba sila mismo ang sumisigaw ng ‘Separation of Church and State’ na nasusulat din sa ating Konstitutyson?

Sino siya para sabihing Demonyo ang isang kandidato?

At sino rin siya para magsabing kung hindi boboto ng matinong kandidato ay huwag na ring magsimba?

Ang daming sapak sa utak ng paring ito.

Hindi ba dapat bilang isang pari ay maging ‘non-partisan’ siya at hindi dapat makialam sa usapin ng pulitika?

Sa sistema ng demokrasya, binibigyan ng kalayaan ang lahat, partikular na ang karapatang bumoto at malayang iboto ang sinumang napupusuang kandidato ng bawat botante.

Mismong ang Santo Papa ang nagsabi na huwag makisali sa pulitika at sa halip ay palakasin ang pananampalataya at kahalagahan ng mabuting asal.

Sa tinuran ng gunggong na Pari, bigla kong naalala ang karakter ni Padre Damaso sa dalawang libro na iniakda ni Gat Jose Rizal – ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

O iyong kanta na lang ng bandang Yano na ‘Banal na Aso, Santong Kabayo!’

Ito iyong isang alagad ng simbahan na hindi dapat binigyan ng karapatang magsuot ng sultana!