Crime

Bangkay ng Grade 4 student lumutang sa ilog

November 13, 2023 Melnie Ragasa-limena 147 views

NATAGPUANG palutang-lutang ang bangkay ng 10-taong-gulang na lalaki sa isang ilog sa Quezon City nitong Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktima na isang Grade 4 student.

Sa pagsisiyasat ni PSSg. Angel T. Pascasio III ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ang biktima dakong alas-11:30 ng umaga nitong Linggo sa Culiat River.

Bago ito, Sabado ng hapon nang nagkayayaan ang biktima at iba pang kaibigan nito na maligo sa ilog. Tumalon sa ilog ang biktima hanggang sa malunod.

Natagpuan ng isang lalaki na noo’y nangunguha ng dahon ng saging ang biktima na palutang-lutang sa ilog.