Default Thumbnail

3 Chinese nationals na nanggulpi ng kapwa Chinese hina-hunting

November 14, 2023 Melnie Ragasa-limena 173 views

HINA-HUNTING ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong Chinese na nambugbog ng kanilang kababayan noong Lunes.

Ayon sa pulisya, nagba-backtracking na sila ng mga closed circuit television (CCTV) sa lugar kung saan nangyari ang panggugulpi para makilala ang tatlong Chinese na sakay ng gray Toyota Hi Ace (NEU 2392) nang maganap ang insidente.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng umaga nang bumili ng almusal sa isang fastfood sa Banawe St., si Xiao Shenghua, 34, ang biktima, ng 310 Sikap St., Brgy. Plainview, Mandaluyong City para sa asawang nasa ospital.

Nagulat na lang ang biktima nang bigla siyang hintuan ng mga suspek at pinagtulungang bugbugin at pinagpapalo pa ng bakal na baton.

Nakita ng barangay police na si Victor Epiz ang komosyon kaya agad itong nagresponde pero agad na tumakas ang mga suspek.

Dinala ni Epiz sa ospital ang biktima.