DPWH

DPWH namumuro na sa demanda dahil sa atrasadong reopening ng Lagusnilad

November 14, 2023 Edd Reyes 208 views

PINAG-IISIPAN na ng Maynila na sampahan ng kaso ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa sobrang atrasadong reopening ng Lagusnilad underpass.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na namumuro na ang mga DPWH officials sa interview sa radyo bago pumunta sa mga schools para subaybayan ang diabetic screening sa mga estudyante ng senior high school.

Ayon sa alkalde, nakipag-usap na sa kanya ang mga opisyal ng DPWH na responsable sa pagsasa-ayos ng chamber o catch basin para hindi na bahain pa ang underpass kahit pa lumakas ang ulan matapos siyang magtakda ng deadline sa Nobyembre 15.

Aminado aniya ang DPWH na hindi nila kayang tapusin ang trabaho sa itinakdang deadline at humingi ng palugit ng hanggang katapusan ng Nobyembre.

Sa oras na mabigo na naman ang ahensiya sa kanilang pangako, posibleng kasuhan na sila ng Maynila.

Ayon sa alkalde, nakatupad sa pangako si Engr. Armando Andres na matatapos nila ang repair sa Lagusnilad na ginastusan ng P50 milyon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Napondohan ni 5th District Congressman Irwin Tieng ang karagdagang P25 milyon na gugugulin ng DPWH sa repair ng Lagusnilad.

AUTHOR PROFILE