Dead DEAD IN THE BOX–Ang natagpuang kahon na naglalaman ng bangkay ng babae sa Tondo, Maynila.

Bangkay ng bebot natagpuan sa box

April 8, 2024 Jonjon Reyes 90 views

PATAY, nakabalot at nakalagay sa kahon ang isang babae na natagpuan sa Maswerte St., Brgy. 109, Tondo, Maynila noong Sabado ng gabi.

Nakabalot ng packing tape ang buong katawan at nakasuot ng asul at puting stripes na t-shirt, maong short pants at nakapaa na natagpuan ang bangkay sa loob ng kahon.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, napansin ng tricycle driver sa madilim na lugar ang kahon noong Sabado.

Nang inspeksyunin ang laman ng box, tumambad sa kanila ang bangkay sa loob kaya ini-report sa Brgy. 109 na nakakasakop sa lugar at ipinagbigay alam sa Don Bosco police precinct.

Sa ocular investigation, hindi na nakita uli ang tricycle driver na nakadiskubre sa kahon na may patay.

AUTHOR PROFILE