Workingboys

Baguhang young actress, inaalagaan ng tomboy

March 20, 2023 Jun Nardo 319 views

BATA pang tingnan ang isang baguhang young actress na produkto ng isang talent search pero pagdating sa relasyon, may nag-aalaga pala sa kanyang tomboy, huh!

Kaya pala kung mapapansin, walang maiparehang permanenteng ka-loveteam niya. Paiba-iba ang ipinapareha ng network sa kanya.

Tila umiiwas din ang young actress na magkaroon ng ka-loveteam. Pinuprotektahan din niya ang karelasyon niyang tungril, huh!

May kasalukuyang series ang young actress pero hindi sa lalaki nakasentro ang kuwento nito. Baka may magalit kung ipapareha siya sa lalaki, ‘no!

VIVA BOYS, BIBIDA SA ‘WORKING BOYS 2’

NGAYON lang magkakaroon ng part 2 ang box-office movie ng Viva Films na Working Boys.

Pinagbidahan ito nina Tito, Vic at Joey plus Herbert Bautista noon. Nagkaroon ng comedy movie na Working Boys dahil naging patok sa takilya ang another Viva movie na Working Girls.

This time, ang Viva boys na sina Wilbert Ross, Nikko Natividad, Vitto Marquez at Andrew Muhlach ang mga bida na sinamahan pa ng GMA artist na si Mikoy Morales.

Siyempre pa, naughty ang movie lalo na’t nakalabas na rin sa Vivamax films sina Nikko, Wilbert at Andrew.

Pero makabagong panahon ang background ng movie kaya naman siguradong ‘yung mga Gen Z at millennials ay siguradong makaka-relate sa kalokohan ng movie na dinirek ni Paolo O’Hara.

Mapapanood ang Working Boys 2: Choose Your Papa sa March 29.

AUTHOR PROFILE