Vice

Hanash ng netizens sa mamahaling aso, sinagot ni Vice

March 20, 2023 Vinia Vivar 199 views

Nag-react si Vice Ganda sa kung anu-anong hanash ng netizens tungkol sa pagbili niya ng mamahaling aso.

Sa latest vlog kasi ni Vice ay ipinakita niya ang pagbili ng aso kasama ang dyowang si Ion Perez. Isa itong black and white Pomeranian na nagkakahalaga ng P380,000. Aniya, ito ang magiging “baby” nila.

Apparently, na-bash si Vice dahil dito ayon na rin sa kanya mismo sa episode ng It’s Showtime.

“Nababasa ko ‘yung mga comment. Bakit kayo nagdedesisyon sa buhay namin? Bakit daw bumili kami ng gano’n kamahal. Bakit daw hindi na lang nag-adopt,” sey ni Vice.

“Hindi ba pwedeng hayaan n’yo kaming maging masaya? Hindi pwedeng choice namin? ‘Di ba? Alam kong may mga dahilan kayo pero may mga kanya-kanya naman tayong desisyon. Hindi pwedeng kami ang mag-decide?” dagdag niya.

Para kay Vice, maganda raw talaga ang mag-adopt ng dogs at desisyon din nila ito.

“May masama ba na bumili kami ng dog? Kaya pwedeng kami ang mag-decide? ‘Di ba? It’s our life,” sey niya.

“It’s our life, it’s our joy. Can’t you just be happy for our joy and for our life?” hirit pa niya.

Natanong din siya ng mga co-host kung ano ang pinangalan nila sa doggie at aniya ay wala pa.

“Baby” pa lang ang tawag nila sa aso.

AUTHOR PROFILE