VIY Mga larawan mula sa FB/Viy Cortez

Bagong panganak na si Viy proud sa pagpayat

September 27, 2023 People's Tonight 365 views

PROUD ang social media personality na si Viy Cortez sa malaking nabawas na timbang sa kanya matapos niyang manganak noong Hulyo para sa anak nila ng kilalang YouTuber na si Cong TV.

Sa kanyang Facebook page nitong Martes, Setyembre 26, ibinahagi ng vlogger ang kanyang prosesong ginawa upang makapagbawas ng timbang.

“From 94klo pagkapanganak naging 60klo na ‘ko dahil sa pagtanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain at pag-inom ng luxeslim (tipong nakain sila ng lomi tapos ako nakatitig lang) at ngayon panahon na para dagdagan ng exercise dahil lalawlaw na tayo mga mamshie,” sey ni Viy.

Aniya pa, sumusubok siya ng mga physical exercise tulad ng pagpunta sa gym at paglalaro ng tennis.

“Kaya naman 4 na araw na ko nag gy-gym ipagdasal nyo naman ako na matagalan ko to. Plus sumusubok din ako mag tennis ngayon. Pero nag-aaral pa ‘ko,” wika pa ng YouTube vlogger.

Nagbigay rin ng paliwanag si Viy sa kumakalat na chismis na siya ay nagpa-liposuction na isang uri ng surgery kung saan gumagamit ng panghigop para matanggal ang taba sa espisipikong parte ng katawan ng tao.

Sey din niya na kailangan talaga ng disiplina sa mga kakainin para sa pagpapayat.

“Ps kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare kailangan nyo po ito samahan ng effort para mas makita nyo ang result. Nagpa lipo ba ako? Hindi pa sa ngayon pag naka tatlo anak nako. Baka dun na,” pahayag pa niya.

AUTHOR PROFILE