Pia Mga larawan mula sa IG/@piawurtzbach

Pia, Ariadna tapos na 8 taong ‘away’

September 27, 2023 People's Tonight 144 views

MATAPOS ang halos walong taon ay nagkitang muli ang kilalang naging magkatunggali sa maaaring pinaka kontrobersyal na crowning moment sa kasaysayan ng Miss Universe.

Tila nawindang ang pageant world sa muling pagkikita nina Miss Universe 2015 winner Pia Wurtzbach at Miss Universe 2015 first runner-up Ariadna Gutierrez.

Sa Instagram page ng Filipina queen nitong Martes, Setyembre 26, ibinahagi niya ang ilang larawan nilang magkasama ni Ariadna kung saan makikita ang dalawang masayang rumarampa sa Paris, France.

“The reunion you’ve all been waiting for,” sey ni Pia sa caption ng kanyang post.

Masaya rin sa kanilang pagkikita si Ariadna, nagbahagi rin siya ng kanilang larawan ni Pia sa kanyang Instagram stories.

“It’s been almost 8 years since the last time we were together. So happy to see you again,” pahayag ng Miss Colombia 2014.

Naloka rin ang netizens at mga kilalang personalities sa mundo ng showbiz at beauty pageant sa reunion ng dalawa.

“This is powerful! Love this,” komento ni Miss Universe 2017 Demi Tebow ng South Africa.

“Love to see it!!! Both of you are sheer PERFECTION!” pahayag naman ni Miss Universe 2015 second runner-up Olivia Jordan ng USA.

“Finally!!! Pia and Ariadna. GOSH!!! Case Closed. Both of them are good friends. Lets all move forward and be happy that both of them are successful in their own personal lives now.” sey naman ng isang netizen.

“The world, the universe rather is healing.” hirit pa nga ng isang netizen.

Matatandaang memorable ang naging crowning moment nina Pia at Adriana bilang winner at first runner-up ng Miss Universe 2015. Ang host kasi ng nasabing pageant noon na si Steve Harvey ay nagkamaling naanunsyo ang pangalan ni Ariadna bilang winner. Matapos ito ay agad naman niyang itinama ang sarili at inanunsyo na si Pia ang tunay na panalo sa korona.

Ang hindi makakalimutang crowning moment na iyon ay nakagawa ng ingay sa buong mundo na magpahanggang ngayon ay naaalala pa rin ng nakararami.

AUTHOR PROFILE