Double celebration ni Sen. Bong dinagsa ng mga kilalang tao sa showbiz at pulitika
TILA nagsibabaan mula sa langit ang napakaraming stars at mga kilalang personalidad mula sa larangan ng showbiz, pulitika at negosyo na dumalo 57th birthday at 50th or golden anniversary ng actor-producer at politician na si Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. na ginanap sa grand ballroom ng Okada (Manila) nung nakaraang Lunes ng gabi, September 25. Ito rin ang actual na karaawan ng mister ng actress-politician na si Rep. Lani Mercado.
Si Lani mismo ang namuno sa paghahanda sa engrandeng selebrasyon para sa kanyang mister.
Kumpleto ang pamilya ng mag-asawang Bong at Lani, ang kanilang mga anak at mga apo, their sons and daughters in law maging ang mga kapatid ng senador and their respective husbands and wives. Well-represented ang iba’t ibang sektor ng showbiz, pulitika at negosyo. Hindi man physically present sina Pres. Ferdinand `Bong Bong’ Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos, nagbigay naman sila ng kanilang magkahiwalay na mensahe sa may kaaarawan na nag-celebrate din ng kanyang golden anniversary in showbiz.
Bong was only seven years old nang siya’y isama ng kanyang yumaong ama, ang dating action star-producer and former senator na si Ramon Revilla, Sr. sa isa nitong pelikula. Since then ay nagtuluy-tuloy na ang young actor-politican sa kanyang karera in showbiz hanggang sa siya’y tanghaling action star.
The late veteran entertainment writer-columnist at publicist na si Oskee Salazar ang nagbansag kay Bong as “Titanic Action Star” na buong pusong tinanggap ng kanyang supporters at mga kasamahan sa industriya dahil sa kanyang pagiging isang major action star nung dekada otsenta at nubenta na umabot sa bagong dekada.
Naipakita rin ni Bong ang kanyang pagiging well-loved personality sa lahat ng sektor at pruweba rito ang kanyang well-attended birthday and showbiz anniversary celebration na dinaluhan ng Senate President na si Sen. Miguel Zubiri at Speaker of the House na si Martin Romualdez gayundin ang mga kasamahan nilang senador at ilang kongresista including Bong’s best friend and colleague sa Senado, ang actor-producer at politician na si Sen. Jinggoy Estrada. Naroon din ang isa pa nilang best buddy na si Phillip Salvador. Dumalo rin ang mag-asawangTirso Cruz III (na siya ring chairman-CEO ng Film Development Council of the Philippines o FDCP) at Lyn Ynchausti-Cruz, Christopher de Leon, Edgar Mortiz, ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, couple Ronnie Ricketts and Mariz, Bayani Agbayani at Len Agbayani, Harlene Bautista and Federico Moreno, Alma Moreno, Jackie Lou Blanco, couple Dawn Zulueta and husband Anton Lagdameo, Jimmy Santos, Gladys Reyes, New York-based singer-actress-host na si Rachel Anne Wolfe, Nino Muhlach, Jillian Ward, Roi Vinzon, Gardo Versoza, Sunshine Cruz, Jean Garcia, Isabel Rivas, Gina Alajar, Ricky Davao with his new girlfriend in tow, Direk Laurice Guillen, Azenith Briones, Beauty Gonzales, Max Collins at marami pang iba. Namataan din namin doon ang ilang big bosses ng ABS-CBN at GMA tulad nina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Atty. Felipe Gozon, Atty. Annette Gozon-Valdez, Joey Abacan at iba pa. Sa mga politician naman, bukod kina Sen. Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez, namataan din namin doon sina Sen. Chiz Escudero minus his wife na si Heart Evangelista, Sen. Imee Marcos, Sen. Raffy Tulfo, former Sen. Manny Pacquiao, Sen. Bato de la Rosa, Sen. Bong Go, Sen. Loren Legarda, Sen. Win Gatchalian, Sen. Robin Padilla and wife Mariel Rodriguez, Sen. Pia Cayetano, DILG Sec. Benhur Abalos, Batangas VG Mark Leviste at maraming iba pa.Dumalo rin ang veteran film producers na sina Wilson Tieng ng Solar Films at William Lao ng Bonanza Films.
Samantala, dahil sa kanilang pagmamahal kay Bong, isang production number ang ipinamalas nina Robin Padilla, Phillip Salvador at Jinggoy Estrada, gayundin ang mga anak at mga apo ng mag-asawang Bong at Lani. Ito’y bukod pa sa prod number nina Tirso Cruz III, Gardo Versoza at Roi Vinzon, maging nina Sunshine Cruz, Ara Mina at Jean Garcia.
Dumaan man sa maraming pagsubok si Bong at kasama na rito ang kanyang pagkakadawit sa pork barrel scam na kanyang pinagdusahan sa kulungan sa loob ng apat na taon at anim na buwan, he is vindicated matapos siyang mapawalang-sala ng Supreme Court.
“That was the darkest moment of my life gayundin ang pagpanaw ng aking pinamamahal na ama,” pahayag pa niya.
Ibinahagi rin ni Bong na linggo-linggo ay dinadalaw niya ang puntod ng kanyang ama’t ina.
“Kapag hindi ko nadadalaw ang puntod ng dad ko ay napapanaginipan ko siya,” kuwento pa ni Bong.
Pinasalamatan ni Bong ang Diyos sa mga biyayang patuloy niyang natatanggap kasama na ang ang kanyang pamilya.
Samantala, ang buong selebrasyon ni Bong sa kanyang kaarawan at showbiz anniversary nung September 25 ng gabi na pinamagatang “Idol Ko Si Bong” ay mapapanood sa isang TV special to be aired on GMA sa October 7, 2023.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.