Triplea

Carla, ayaw makatrabaho si Tom… pero bet maka-partner si Piolo

September 27, 2023 Jun Nardo 147 views

BURADO na sa puso’t isipan ni Carla Abellana ang former husband na si Tom Rodriguez. Lagpas-lagpasan na nga siya sa pagkaka-move-on.

Pero nang tanungin namin kung handa na ba siyang gumawa ng project with her former hubby, sagot ni Carla, “Marami na kaming ginawa together. Iba naman. Marami namang leading man.

“At past is past! Personal life naman ang ayusin ko at marami pa akong gustong gawin!”

Nakausap ng media si Carla sa launching niya bilang bagong artist ng Triple A (All Access to Artists) na namamahala rin sa career nina Marian Rivera, Maine Mendoza at iba pang baguhang artists.

Nag-welcome rin kay Carla sina Marian at Maine bago ang contract signing with Direk Mike Tuviera, Jojo Oconer at Jacqui Cara ng Triple A.

Bago lumipat, nagpaalam nang maayos si Carla sa dating manager na si Popoy Caritativo, na siya ring manager ni Tom.

Looking forward si Carla sa career plan sa kanya ng Triple A. Wish niyang makatrabaho si Piolo Pascual pero agad niyang pinabulaanan ang tsikang may offer siya na mapabilang sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo at iba pang shows ng ABS-CBN.

AUTHOR PROFILE