Default Thumbnail

Babaeng software engineer nagbigti

November 10, 2022 Jonjon Reyes 297 views

Dahil sa nakakasulasok na amoy natunton at nalaman na nagpakamatay ang isang babaeng software engineer nang madiskubre itong nakabitin sa inuupahang kwarto sa Craig St., Sampaloc, Manila iniulat ng pulisya.

Nadiskubre ng caretaker ang biktimang at nakilalang si Candice Sage, nasa hustong edad,kung kaya’t agad na nakipag ugnayan sa nakakasakop na Barangay bago itinawag sa tanggapan ni PLt. Col. Wilson Villaruel,Commander ng Sampaloc Police Station 4 MPD,na mabilis namang rumesponde ang kanyang mga tauhan saka kinordon ang nasabing lugar.

Agad namang nakipag koordina ang pulisya ng Sampaloc kay PLt. Dennis Turla , hepe ng MPD- Homicide Section at nagtungo si Det. Danilo Kabigting na siyang may hawak ng kaso.

Nabatid pa ng pulisya, ang biktima umano ay solong nangungupahan sa 5th floor ng residential building sa Craig Street sa Sampaloc,Manila..

Ayon sa isang Arman Alcera, caretaker ng gusali,nagkakabit umano ito ng CCTV bandang ,11:00 ng tanghali, nang makaamoy ito ng masangsang at nakakasulasok na amoy na nagmumula sa kuwarto ng biktima.

Hindi umano pinansin ni Alcera ang naamoy ngunit nang malapit na siya sa fire exit, napansin nito na may dugo sa back door ng kuwarto ng biktima dahilan para ipaalam sa barangay.

Itinawag naman ito sa MPD-PS 4 at nang dumating ang mga pulis ay ginamitan ang pintuan ng duplicate key at dito tumambad ang nakabigting biktima gamit ang kulay asul na nylon cord.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima..

AUTHOR PROFILE