Default Thumbnail

Kelot kalaboso sa ‘attempted homicide’

November 9, 2022 Jonjon Reyes 302 views

ISANG 40-anyos na lalaki ang inaresto sa Zobel Roxas Street sa Sta. Ana, Maynila dahil sa ibinabang arrest warrant laban sa kanya sa kasong “attempted homicide,” Martes ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6, pasado alas 6:30 ng gabi nang bitbitin ng mga kapulisan ang suspek dahil sa nakaambang mandamyento de aresto habang nakatambay ito sa nasabing lugar.

Dahil sa patuloy na pinaiiral ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa direktiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon, iniutos ni P/Lt. Col. Mirando kay P/Maj. Geul Capuz, hepe ng Intelligence Section, kasama ang apat nitong tauhan kaakibat ang hepe ng Warrant Section and Follow-up Section sa pangunguna ni P/Lt. Renato Ramento at ng mga tauhan ng 1st MFC, Regional Mobile Force Batallon ng NCRPO (National Capital Region Police Office) nang arestuhin nila ang target ng operasyon.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Presiding Judge Maria Gwendolyn Marquez Dizon, ng Metropolitan Trial Court Branch 21 ng Maynila na may inirekomendang piyansang P36,000.

AUTHOR PROFILE