Babae timbog sa illegal drugs sa Quiapo

October 5, 2021 People's Tonight 242 views

HIMAS REHAS ang isang babae na tinaguriang source ng iligal na droga sa Quiapo Maynila makaraang Mahuli ng mga Operatiba sa isinagawang buy bust operation ng MPD Station 14 sa San Miguel Maynila.

Lunes ng gabi ng nagsagawa ang mga kapulisan ng MPD ng buy bust sa pamumuno ni PCPt. Gil John Lobaton sa ilalim ng kanilang hepe na si PLTCol.Ramon Nazario, commander ng MPD Stn.14, laban sa alyas na Lastrifa na umanoy isang source ng shabu sa lugar ng Quiapo at sa San Miguel, Maynila.

Kinilala ang naarestong suspek na si Nasifra Abdulla Nassir at may alyas na a.k.a “Lastrkfa”, residente ng 153 Marayag St., Brgy 648, San Miguel.

Nakuha mula sa suspek ang pitomg piraso na transparent plastic bag at siyam na piraso ng heat -sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 735 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.9 million.

Narekober din kay “Lastrifa” ang isang timbangan ng iligal na droga at kabilang ang ginamit na buy bust money sa nasabing operasyon.
Kasalukuyan namang nakakulong sa nasabing himpilan ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165.

Ang suspek na naaresto ay alinsunod sa tuloy-tuloy na kampanya kontra droga sa direktiba ni MPD Director PBGen. Leo M.Francisco at TEAM PACO, base rin sa programa ni NCRPO Chief RD Maj. Gen. Vicente D. Danao Jr..

AUTHOR PROFILE