Default Thumbnail

Babae arestado dahil sa child abuse sa Ermita

November 17, 2021 Francis Naguit 233 views

NAGTUNGO ang mga tauhan ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, bitbit ang warrant of arrest sa isang 45-anyos na babae na nasa most wanted dahil sa kasong child abuse Martes ng hapon sa Ermita, Manila.

Nagkakahalaga sa P80,000 ang inilaang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nakilalang si Jennifer Delos Santos, residente ng Bldg. 3 Happy Land, Temporary Housing sa Vitas, Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt.Col. Orlando Mirando Jr., MPD Station 6 commander, bandang 2:30 p.m. nang bitbitin si Delos Santos ng mga operatiba mula sa Arroceros St.

Sa report ng pulisya, away bata ang naging dahilan mg pagka-aresto sa suspek.

Ang suspek ay naaresto sa follow up operation na isinagawa sa pangunguna nina P/Major Geuel Capuz at P/Lt.Renato Ramento.

Kusang loob sumama sa mga otoridad ang suspek matapos basahan ng nilalaman ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jose Lorenzo Dela Rosa, ng Manila Regional Trial Court Branch 4 dahil sa paglabag sa Section 10 ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE