Daveara

Ara, nagpa-lechon sa birthday ni Dave

September 9, 2021 Ian F. Fariñas 425 views

Hindi maitatatwang may lungkot sa boses ni Dave Almarinez noong August 29 dahil wala ang asawang si Ara Mina sa kanyang birthday.

Sabi niya, hindi siya sanay kasi nakailang birthday na siya na magkasama sila ni Ara noong mag-boyfriend-grilfriend pa sila.

Ngayong mag-asawa na sila, nataon namang kailangan nang bumalik ni Ara sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil ilang buwan na rin siyang pinagbigyan ng produksiyon mula noong bago siya ikasal hanggang sa isinailalim ang National Capital Region sa lockdown.

Kuwento ni Dave, “Nairaos din kahit na, siyempre, parang kulang. Wala kasi si Bebe, kailangan na niyang bumalik sa trabaho. At naintindihan ko naman yun kasi kailangan na rin namin talagang pag-ipunan ang aming nagsisimulang pamilya.”

Nasorpresa naman si Dave sa dumating na maliit na lechon at iba pang pagkain nu’ng kaarawan niya na naplano na pala ng asawa.

“Akala ko kasi magvi-video-call lang kami, kakantahan niya ako, tapos may cake siyang hawak, virtually, ibu-blow ko.

“Kaso may mga naka-sked na pala siyang pagkain na nabili para mismo sa kaarawan ko. Nakakatuwa naman kasi napawi nang kaunti ’yung lungkot ko dahil, alam mo ’yun, inalala niya ahead ’yung birthday kahit busy siya sa taping?”

Halos isang buwan si Ara sa lock-in taping sa malayong probinsya kaya pangako ni Dave na magsisilbi siyang ina at ama ni Mandy habang wala ang asawa.

Sobrang close na rin kasi ang dalawa na laging nakikita na nagsasayaw sa TikTok.

AUTHOR PROFILE