Darryl

JaDine project, itinadhana kina Marco at Aubrey

September 9, 2021 Ian F. Fariñas 487 views

NAKATADHANA para kina Marco Gallo at Audrey Caraan ang pinakabago niyang obra, ang romantic comedy na Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

’Yan ang sinabi ni Direk Darryl Yap sa virtual mediacon kahapon ng pelikulang dapat sana ay pagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Walang binanggit na dahilan ang kontrobersyal na direktor kung bakit napalitan nina Marco at Audrey ang JaDine. Ang sabi lang siya, magiging unfair siya kung ikukumpara ang dalawang magkapareha.

Aminado si Direk Darryl na noong hindi pa siya gaanong nakapagdidirek, eh, ang fixation daw niya ay ang makatrabaho ang malalaking artista.

“It could have been a beautiful movie with Nadine and James, but landing with Audrey and Marco, the movie was still beautiful,” sey pa ng direktor.

Pinahanga raw siya ng dalawang baguhang ito sa galing umarte. Katunayan, tuwing mapapanood daw niya ang kanilang mga eksena ay napapaiyak siya.

Kung ang description niya kay Nadine ay “sincere in acting” at kay James naman ay “very raw,” sina Marco at Audrey daw, napakagaling sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

“Nakatadhana pala sa dalawa ito. Alam ko maba-bash ako pero napakahusay po dito nina Audrey at Marco,” dagdag ni Direk Darryl.

Eventually, aniya pa, na-realize raw niya at sinabi sa Diyos na “everything really happens for a reason.”

Anyway, sa Siquijor kinunan ang pelikula sa gitna ng pandemya. Bago pa gawan ng isyu ang location, sinabi ni Direk Darryl na walang intensyon ang pelikula na i-associate ang lugar sa mga kwentong manananggal.

Nagkataon lang daw na nang magka-pandemya, nalaman niya sa mga kaibigan na ang Siquijor ang numero uno pagdating sa eco-tourism at tops ito sa pagiging tourist destination ngayon. Nakipag-ugnayan daw sila sa local government at naging sobrang accommodating ang mga taga-roon sa buong produksyon.

Ang pelikula ay kwento ng college student na si Giuseppe (Marco) na mapapadpad sa isang barrio para mag-research tungkol sa mythical Pinoy creatures o “aswang” para sa kanyang thesis.

Makikilala niya roon ang eccentric barrio girl na si Giniper (Aubrey) na tutulong sa kanya sa kanyang pagre-research.

Makakasama rin nina Marco at Audrey ang comedians at viral YouTube vloggers na sina Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian, mas kilala bilang Beks Batallion, Teresa Loyzaga, Gina Pareño at Johnny Revilla.

Mapapanood ang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe simula sa October 1.

AUTHOR PROFILE