Paolo

Paolo: Walang kinalaman si Yen sa breakup namin ni LJ

September 9, 2021 Aster Amoyo 620 views

BINASAG na rin sa wakas ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanyang pananahimik na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ng longtime partner na si LJ Reyes kung kanino siya may two-year-old daughter na si Summer Ayana.

Inamin ni Paolo na naging marupok umano siya at humingi siya ng tawad kay LJ sa kanyang nagawa.

Most recently, lumutang ang ilang larawan ni Paolo kasama ang isang `unidentified girl’ nang ito’y magtungo ng Manaoag, Pangasinan at Baguio. It turned out na ang nasabing unidentified girl ay ang leading lady niya sa Netflix movie na “A Faraway Land” pero klinaro ng actor na hindi umano si Yen Santos ang sanhi ng hiwalayan nila ni LJ dahil naroon umano ang aktres bilang isang kaibigan.

Sa mga susunod na araw ay malilinawan ng lahat kung ano talaga ang role ni Yen sa break-up nina Paolo at LJ. Naaawa si Paolo na na-drag umano ang pangalan ni Yen na wala naman umano kinalaman sa paghihiwalay nila ni LJ.

Habang sariwa pa ang break-up nina Paolo at LJ, tiyak na iba’t ibang version pa rin ang maglalabasan at kinakailangan din sigurong magsalita na rin si Yen na siyang unang itinuro sa hiwalayang naganap sa pagitan nina Paolo at LJ.

RaquelAnak ni Gina ngayon lang nag-artista sa TV

NAGSIMULA ang panganay na anak ng award-winning veteran actress na si Gina Pareno na si Racquel Pareno sa teatro in 2014 at isa sa mga nagawa niya ay pinagsamahan nilang mag-ina, ang “Pahimagan ng Isang Ahente” which was a Pilipino translation ng National Artist for Theater na si Rolando Tinio mula sa play na “Death of A Salesman”. Ang iba pa niyang plays include “Sandosenang Sapatos,” “Der Kaufman” where she won as Best Female Actress in a Play, “Prinsesa ng mga Bilang Ibalong,” “Melani,” “Prinsipe Munti,” “Juego de Peligro,” “Kama” at “Walang Kukurap”.

Pero ang pagiging stage actress ni Racquel ay kamakailan lamang niya nagamit sa telebisyon at pelikula.

“Mas nag-focus ako sa domestic life. Ang pagkakaroon ko ng tatlong anak (Candice, Shayne at Michael) at ngayon ay meron na rin akong dalawang apo,” pag-amin ni Racquel na napapanood ngayon sa kanyang kauna-unahang TV series, ang “Legal Wives” on GMA maging sa upcoming Vivamax movie na “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

Although late bloomer si Racquel, she admits na nagi-enjoy umano siya ngayon dahil malalaki na ang kanyang mga anak.

Si Racquel din ang kasama ng kanyang 71-year-old mother na si Gina Pareno sa bahay.

“Restless ang mommy ko pag walang ginagawa kaya tinuruan ng kanyang mga apo mag-Tiktok,” kuwento pa ni Racquel.

Gina has has almost 2M followers sa Tiktok na sobra niyang ini-enjoy gawin kapag wala siyang taping o shooting.

“Sa amin ng mommy ko, ako `yung tipong disciplinarian dahil medyo may pagka-makulit siya (Gina). Hindi ko talaga siya pinalalabas ng bahay kung hindi taping o shooting. Nang matutong mag-Tiktok, nag-enjoy kaya tuluy-tuloy na siya,” ani Racquel.

Among Racquel’s three children, ang anak nyang si Shayne Pareno ang gusto ring mag-showbiz.

GinaGinaGina naging pasaway noong araw

AWARD-winning veteran actress Gina Pareno (71) is Geraldine Acthley in real life. German-American ang kanyang father at Filipina naman ang kanyang ina. She was 17 nang pumasok siya sa showbiz matapos siyang tanghaling “Dance-O-Rama Queen” in 1963. The program was hosted by the late Pete Roa (Boots Anson Roa’s late husband) and Baby O’Brien na siya namang ina ng singer-actress na si Rina Reyes.

From “Dance-O-Rama” ay kinuha siya ng Sampaguita Pictures kung saan siya nagsimula sa mga supporting roles hanggang i-build up siya bilang isa sa mga Stars of the 60’s.

Madalas umano siyang ipatawag noon sa tanggapan ni Doc Perez (prodyuser ng Sampaguita Pictures) dahil sa kanyang pagiging pasaway. Hindi kasi pinapayagan noon ng film studio ang kanilang mga stars and talents na pagala-gala lamang kung saan-saan tulad ng Cubao at Divisoria na madalas niyang puntahan kahit kilala na siya.

Gina was able to portray the well-loved Pinoy heroine Darna in “Darna and the Planetman” in 1969. Ten years later in 1979, siya naman ang gumanap na ina ni Rio Locsin na gumanap ding Darna in “Bira, Darna, Bira” . Gumanap din siyang wife ni Dr. Zombie isa sa villains ni Darna played by Lorna Tolentino sa TV version nito nung 1977.

Through the years ay lalo lamang na-hone ang husay ni Gina bilang actress na hindi lamang dito sa Pilipinas napansin kundi maging sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga pelikulang “Kubrador” (The Bet Collector) in 2006 at “Serbis” in 2007.

Ang pelikulang “Kubrador” ay nakapagbigay kay Gina ng Best Actress trophies mula sa Amien’s International Film Festival, Brussels International Film Festival, Gawad Urian, Golden Screen Awards at Osian’s Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema Award. Habang ang pelikulang “Serbis” (Service) ay nagbigay sa kanya ng dalawang awards bilang Best Actress ng Pacific Meridian International Film Festival at Best Supporting Actress mula sa Asian Film Festival Awards. Ang mga ito ay labas pa sa kanyang grand slam win bilang Best Supporting Actress mula sa FAMAS, FAP, MMFF at Star Awards para sa pelikulang “Kasal, Kasali, Kasalo” na pinagbidahan ng mag-asawa na ngayong sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Sa kanyang edad in her early 70’s, Gina has no immediate plans of retiring from acting.

“Mas masaya at lumalakas ako kapag nagtatrabaho ako,” aniya.

Although iba na ang set-up ngayon sa mga taping at shootings sa gitna ng pandemic, madaling nakapag-adjust si Gina dahil sa safety heath protocols na kailangang sundin dahil marami-rami na rin ang tinatamaan ng Covid-19 coronavirus sa iba’t ibang working areas.

Si Gina ay huling napanood sa pelikulang “Tililing” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap and another upcoming movie, ang “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso” na matutunghayan sa Vivamax ngayong October 1 na isa rin sa mga obra ng batang director na si Darryl Yap.

Paano gusto ni Gina na siya’y maalaala ng mga tao lalung-lalo na ang kanyang mga supporter?

“Sana huwag nilang makalimutan ang pangalang Gina Pareno na nakapaghatid ng saya at entertainment sa maraming tao at some point,” simple niyang tugon.

We’ve known Gina for the longest time at ang nakakatuwa sa kanya, marunong itong magpasalamat sa mga taong one way or the other ay nakatulong sa kanya na bibihira nang mangyari sa present generation.

Paolo: Walang kinalaman si Yen sa brreakup namin ni LJ

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE