Anne1

Anne unti-unti nang bumabalik, may gagawing pelikula

February 7, 2023 Aster Amoyo 355 views

AnneAnne2IT was on December 2019 when actress, host and celebrity endorser Anne Curtis took a leave of absence (maternity leave) from her daily hosting job sa noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” para harapin ang bagong role ng kanyangbuhay – motherhood.

On March 2, 2020, she gave birth to her and husband Erwan Heussaff’s first born nasi Dahlia Amelie in Australia. Dahlia is turning three this coming March 2.

Although nakabalik na ng bansa si Anne and her family in February 2021, hindi agad nito binalikan ang kanyang hosting job at mas binigyan niya ng priority ang kanyang role as a mom to her first born. Pareho sila ng kanyang husband na si Erwan na hands-on parents kay Dahlia.

Bumalik na rin si Anne sa “It’s Showtime” but not on a semi-regular basis yet. Whenever her schedule permits, she would pop up on the show kung saan niya kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jong Hilario, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ryan Bang, Kim Chiu, Karylle, Ion Perez at iba pa.

Last year, she hinted na babalikan din niya ang paggawa ng pelikula at naghihintay lamang ang kanyang home studio, ang Viva ng kanyang go signal.

Isa sa most successful movies na ginawa ni Anne ay ang action-thriller movie na “Buy Bust” na joint production ng Viva Films at Reality Entertainment nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde which was co-written by Direk Erik.

Ang comeback movie ni Anne ay muling pamamahalaan ni Direk Erik pero wala pang detalye kung ito’y sequel ng “Buy Bust” in 2018 or another project.

Natuwa naman ang supporters ng actress-host and concert star dahil tototohanin na nito ang paggawa ng pelikula this year at umaasa sila na sana’y tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz nito maging ang regular appearance sa “It’s Showtime”.

Elisse at McCoy galit-bati, immature daw

MccoyMccoyTO some people, may pagka-immature ang magkasintahang Elisse Joson at McCoy de Leon (both 27) na dalawang beses nang nagkahiwalay at twice na ring nagkabalikan.

The couple first broke up in 2018 only to reconcile months later at kasunod na rito ang kanilang pagkakaroon ng anak (Felize McKenzie) who is turning two this year.

It was on October 31, 2021 nang mag-surprise guest sina Elissa at McCoy sa PBB house (kung saan sila pareho nagsimula) para imbitahan si Big Brother na maging isa sa mga ninong ng kanilang anak. Doon lang din nalaman ng publiko na may anak na pala ang dalawa. Apparently, sa ibang bansa (USA) isinilang ng young actress ang anak nila ni McCoy.

But on January 4 this year ay kinumpirma ng actor na hiwalay na sila ni Elisse at kasunod na rito ang pag-delete ng actor ng kanilang photos na kasama si Elisse at daughter nilang si Felize sa kanyang Instagram account. But weeks later ay muling namataan ang dalawa na magkasama sa isang restaurant.

Sa isang hiwalay na panayam sa actor ay kinumpirma nito na muli silang nagkabalikan ni Elisse. But up to this time ay pareho pa rin silang hindi nagpu-post sa kanilang respective IG accounts namagkasama or with their daughter nasiFelize.

McCoy deactivated his IG account habang si Elisse naman ay wala ring post na kasama ang actor.

Elisse celebrated her 27th birthday last January 6 na hiwalay sila ni McCoy at sa 28th birthday ng actor ngayong February 20 ay inaasahang magkasama ang dalawa with their daughter, Felize.

Samantala, sa kabila ng pagkakaroon ng anak ay mukhang wala pa ring plano ang dalawa na magpakasal.

Ryza at partner malapit nang matapos ang bahay

RyzaRyza1Ryza2VIVA actress Ryza Cenon and her partner, photographer Miguel Antonio Cruz are now building their house na kanilang sinimulan in November last year.

Although hindi pa kasal ang dalawa, they welcomed their first child (a boy) nung October 31, 2020 na kanilang pinangalanang Night Cruz.

Napaka-bibo ni Night at mukhang susunod ito sa yapak ni Ryza.

Hindi ikinakaila ng actress ang kanyang excitement na makalipat na sa kanilang ipinatatayong bahay na inaasahang matatapos in a couple of months.

Si Ryza ay isa sa cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin who also co-directs the action-drama series na mapanood na ngayong February 13.

Si Ryza ay naging Ultimate Female Survivor sa 2nd season ng reality talent search na “Starstruck” in 2004 at kasunod na rito ang kanyang build-up contract with GMA Artist Center kung saan siya namalagi sa loob ng maraming taon bago siya lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency.

Matteo mapapanood na sa GMA7

SarahSarah1Sarah2ANG`King of Talk’ na si Boy Abunda ang nagbalita sa kanyang “Fast Talk wth Boy Abunda” sa GMA na may gagawing proyekto ang mister ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli sa GMA matapos itong mamataang nakikipag-meeting kasama ang Viva big bosses na sina Boss Vic del Rosrio at Vincent del Rosario sa mga bosses ng Kapuso Network. Si Boy din ang nagbalita na paalis o nakaalis na si Matteo at kasama si Sarah patungong ibang bansa para doon i-celebrate ang kanilang 3rd wedding anniversary.

Sina Matteo at Sarah ay ikinasal sa isang intimate secret Christian wedding nung February 20, 2020.

Naging kontrobersiyal ito matapos sumugod ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo sa wedding reception ng anak sa isang hotel in BGC.

Up to this day ay hindi pa rin umano in good terms si Sarah (and Matteo) with Sarah’s parents. Samantala, magiging bahagi umanosi Matteo sa daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” bilang segment host. Would this mean kaya na aalis na rin ang singer, actor, host at entrepreneur sa “Tropang LOL” na napapanood sa TV5 at nagsisilbing pre-programming ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Ang “Tropang LOL” ay produced ng businessman na si Albee Benitez na may close ties with ABS-CBN and TV5.

Ngayong malapit na ang 3rd wedding anniversary nina Matteo at Sarah, umaasa ang followers ng couple na sana’y magkaroon na rin sila ng baby.

Kung mapapanood na si Matteo sa “Unang Hirit” ng GMA, sana’y regular na ring mapanood si Sarah sa “ASAP Natin `To” where she has a strong following.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ” with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE